ni Tracy Cabrera
NAKATAKDANG lampasan ni Donnie ‘Ahas’ Nietes ang record ni Gabriel ‘Flash’ Elorde bilang ‘longest reigning Pinoy world champion’ pero sa kabila nito ay dapat din natin malaman na ang Hall of Famer at ang Ahas ay magkatulad sa pagi-ging relihiyoso at mapagkumbaba.
Gunitain ngayon natin kung sino nga ba ang tinaguriang Flash na naghari bilang world super featherweight/junior lightweight champion sa loob ng pitong taon at tatlong buwan.
Bunsong anak si Elorde sa 16 na magkakapatid. Hindi naging pabigat sa kanya ang kahirapan bagkus ito’y naging hamon para sa batang Elorde.
Binatilyo pa lang ay nabighani na si Gabriel sa larangan ng boxing at kadalasan ay nagsasanay siya sa likod ng simbahan ng San Vicente sa Bogo, Cebu. Lagi niyang dinadalaw ang simbahan matapos ang bawat laban para magpasalamat sa Diyos, naglalakad nang paluhod mula sa pintuan ng simbahan hanggang sa altar.
Hindi siya malaki at malakas, pero mayroon si-yang siyang angking ga-ling, nagpapakawala ng mga kombinasyon sa ta-mang timing at naging isang patunay ng katapa-ngan ng Filipino na mapagkumbaba ang nagpaning-ning sa kanya para ituring na isang bayani sa samba-yanan.
Napanalunan ni Gabriel ang WBC/WBA world super featherweight/junior lightweight title sa pama-magitan ng 7th round knockout sa Amerikanong kampeon na si Harold Gomes—isa sa pinakamabagsik na boksingero ng kanyang kapanahunan—sa inagurasyon ng Araneta Coliseum noong Marso 16, 1960.
Limang beses na pinabagsak ni Gabriel si Gomes tungo sa pag-agaw sa titulo ng kampeon sa kanilang return bout sa pamosong Cow Palace sa San Francisco. Nanalo si Gabriel via 1st round knockout.
Walang kinatatakutan noon si ‘Flash’ Elorde pero sa harap nang lahat ay lubhang mapagkumbaba ang kampeon. Ito ang dahilan kung bakit nakapanlulumong isipin na sa kanyang mga huling araw ay para siyang halamang natutuyo sanhi ng kanser na kanyang nabigong mapagtagum-payan. Sa huling laban ni Gabriel, nagapi siya ng Hapones na si Toshiaki Numata sa Tokyo sa majority decision noong Hunyo 15, 1967, para pormal na magwakas ang kanyang paghahari sa ring na umabot nang pitong taon at tatlong buwan.
Malaki na ang ipinagbago ng boxing ngayon. Ang dating 15 round ay 12 na lang at marami na rin nagsulputang organisasyon at indibiduwal na nagbibigay ng oportunidad para sa mga boksingerong pumili at tumahak sa landas ng tagumpay. Malayo ito sa dinanas ni Gabriel kaya dapat lang natin gunitain kung gaano katunay na kampeon ng sambayanang Filipino ang Batang-Bogo (Cebu) na kalaunan ay naging “Flash” sa buong mundo.