KAILANGAN pang gawing pulido ng pamahalaan ang disaster response and relief operations nito upang maiwasan ang malalang bilang ng pagkakamatay ng mga mamamayan sa panahon ng trahedya.
Ito ang pananaw ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., maka-raang magpatawag ng hearing sa mga opisyal ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense ng Department of Defense para ma-kagawa ng mga hakbang upang maging pulido pa ang disaster and relief efforts ng pamahalaan.
Bagamat pinuri ni Bongbong ang maagap at epektibong pagtugon ng pamahalaan sa nakaraang bagyong Ruby na 25 katao ang na-ging biktima, nais pa rin ng batang senador na maging pulido ang mga proseso upang magamit ng mga local government units ang mga hakbang tungo sa epektibong pagtugon sa mga sakuna.
Sa kanyang privilege speech sa senado kahapon, sinabi ni Bongbong naging matagumpay ang NDRRMC sa paglikas ng may 150,000 katao noong kasagsagan ng bagyong Ruby, hindi tulad ng pagkagulat ng pamahalaan nang manalasa ang bagyong Yolanda.
Para kay Marcos, naging kahanga-hanga ang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno sa panahon ni Ruby kaya naman naiwasan ang pagiging biktima ng mga mamamayan sa Visayas, Mindanao at ilang bahagi ng Luzon.
“ Sa mga panahon ng kalamidad, nararapat lamang na handa ang mga mamamayan sa pagtugon sa mga maaaring mangyari. Nasa ring of fire tayo at madalas rin ang pananalasa ng bagyo sa ating bansa. Dahil panay ang pagdating nito, maaari na natin maihanda ang mga ka-sangkapan gayon din ang mga mamamayan para magkaroon ng maagap na tugon upang maiwasan ang pagkakaroon ng maraming biktima sa ating mga kababayan,” ani Senator Bongbong.
Ipinasa ni Marcos, ang Senate Resolution No. 1056 na nagtatakda sa mga opis-yal ng NDRRMC at Office of Civil Defense na ibahagi ang kanilang mga naging karanasan at “best practices” nitong bagyong Ruby.
Mula sa mga karanasang ito, maaari umanong maging pulido ang mga pro-seso at magkaroon ng pamantayan upang matugunan ang pangangaila-ngan ng mga mamamayan sa panahon ng sakuna o trahedya.
Sa ganitong paraan, magiging maayos ang paglikas ng mga mamamayan sa mas ligtas na lugar tulad ng evacuation center. Sa ka-buuan, halos 200,000 mamamayan ang nailikas mula sa Samar, Leyte, Bicol at ilang bahagi ng Visayas.
Nanawagan din si Bongbong sa kanyang mga kapwa senador na suportahan ang nasabing resolusyon para mas magkaroon ng mas epektibong pagtugon ang pamahalaan sa panahon ng mga bagyo at lindol. “Mas naiwasan sana ang pagkakaroon ng casualty at namatay sa panahon ng trahedya kung alam ng mga mamamayan ang mga disaster response protocols ng NDRRMC. Kaya naman, mas lalong higit na mahalaga ngayon ang pagkakaroon ng isang batas na eksaktong nakasaad ang mga prosesong gagawin ng mga mamamayan para maiwasan ang sakuna sa panahon ng malalang bagyo o lindol,” dagdag ni Bongbong.