Patuloy ang pag-angat ni Senadora Grace Poe sa labanang pampanguluhan sa 2016 kahit wala pa rin itong kongkretong deklarasyon na siya ay lalahok dito.
Malinaw tuloy sa ngayon na naghahanap ang bayan ng bagong mukha na walang bahid ng kuropsiyon at katiwalian sa katawan.
Dalang-dala na kasi ang mga PNoy sa mga nagdaang lider ng bansa dahil lahat ay may kinasangkutang kuwestiyonableng transaksiyon at isa na nga rito si PNoy dahil sa kontrobersiyal niyang DAP.
Kitang-kita rin sa kasalukuyan ang pagha-hanap ng mamamayan ng bagong mandato dahil nanatiling angat ang hindi trapo sa labanan at dito patungo ang sagot at kagustuhan ng ba-yan.
Mayroon namang mga taong halos magpakamatay na para mapansin ng mamboboto pero nanatiling ‘nganga’ pa rin kung pag-uusapan ang mga naglalabasang survey.
Kapansin-pansin ang pagbagsak ng popularidad nina VP Jojo Binay, Mar Roxas, Alan Ca-yetano at Antonio Trillanes na naunahan nang nagpahayag ng kanilang intensyon na lumahok sa 2016 presidential derby.
Mayroon diyan mga aspirante na kulang na lang ay magsisirko upang mapansin ng mamboboto pero hanggang ngayon ay nasa kailaliman pa rin ng mga survey.
Hindi na rin matatawaran at pwedeng ismolin ang ginagastos ng mga nabanggit na aspi-rante sa kanilang pagpapapogi sa tao at sa pa-mamagitan ng media dahil daang milyon na rin ang inuubos nila.
Mayroon diyang iba na nagpapalabas na ngayon ng campaign infomecials kuno sa TV gayong ang pakay naman talaga ay magpapogi sa sambayanan.
Tiyak na iba na ang gusto ng tao sa ngayon at siguradong patungo na ito sa bagong mukha na magpapatakbo ng estado at diyan nakasisi-guro tayong angat diyan ang pangalan ni Grace Poe.