Thursday , December 26 2024

Oposisyon tahimik

00 BANAT alvinKITANG-KITA sa ating mambabatas na kapanalig ng minorya sa Senado man o sa Kamara ang kanilang pananahimik dahil alam nilang hindi basta-basta kalaban ang kanilang makakasagupa saka-ling mag-ingay at pumalag sila sa kasalukuyang administrasyon.

Nakita naman natin ang pruweba, tatlong senador ang ipinakulong ng kasalukuyang lide-rato at iyon ay dahil sa pagiging kalaban nila ni PNoy bukod pa na sila ang mga hadlang sa ambisyon ng kaibigan ng Pangulo na maging pinuno ng bansa.

Kung noong dating mga pangulo ay maingay talaga ang oposisyon sa Kongreso katulad na lang ng Spice Boys na tumuligsa kay Erap, kakaiba ngayon dahil kapag ikaw ay dumakdak at lumaban sa Malakanyang, tiyak na sangkatutak na kaso at posibleng sa kulungan pa ang iyong kahahatungan.

Malinaw sa ating nakikita ngayon sa Senado ang pananahimik nina Tito Sotto, JV Ejercito, Gringo Honasan at maging ang anak ni VP Jojo Binay na si Nancy. Alam kasi nila ang kanilang kahahantungan sa sandaling sila ay gumawa at mag-ingay dahil ibang klase ang estilo ng kasalukuyang liderato.

Bengador at kamay na bakal ang kanilang ibinabalik sa kanilang mga kaibayo at iyan ang obvious dahil kompleto na sila sa research ng mga sinabi nating senador na mga nananahimik na.

Kitang-kitang rin na lusot lahat ang panukala ni PNoy sa Kongreso at iyan ang kakaiba sa ngayon dahil mistulang nawala na ng boses ang oposisyon na dapat fiscalizer ng gobyerno.

‘Yan ngayon ang klase ng demokrasya na-ting tinatamo at iyan din ang tinayuan ng tatay ni PNoy noon na si Noynoy dahil malinaw sa kasaysayan na ang ginagawang paggipit noon sa ama ng demokrasya ay inaabot ngayon ng mga kalaban ng nasa Palasyo.

***

Posible raw maging tatlo ang maglaban-laban mayor ng Caloocan City. Bukod kasi sa magbabalik na si Recom Echiverri at kasalukuyang alkalde na si Oca Malapitan ay lalahok din daw itong si Egay Erice. Iba lamang daw ang estilong ginamit na Egay sa ngayon dahil parehas ba ginagapang nang tahimik ang mga tauhan ng magkabilang kampo. ‘Yan ngayon ang kaabang-abang sa Caloocan dahil masusubok na nga-yon ang mga beteranong politiko sa lungsod minus Asistio at Malonzo.

 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *