Saturday , November 23 2024

Katiwalian sa Gat Andres Hospital (Tondo, Manila)

00 pulis joeyNAKATANGGAP ako ng mahabang text message mula sa nagpapakilalang doktor ng isa sa anim na Manila City government hospitals.

Isiniwalat niya ang umano’y kasalukuyang mga nangyayaring katiwalian sa Gat Andres Hospital sa Delpan, Tondo, District 1, Manila.

Pakinggan natin ang kanyang mga sinasabi:

– Gud am, Sir! I’m one of the doctors here in Gat Andres Hospital. I read ur issue last time. And I’m testifying also na magulo ang patakbo ng administration ngayon at puro corruption at palakasan system. Nagtataka lamang po ako bakit kailangan lahat ay may bayad e isina-batas ito ng dating mayor na si Fred Lim na libre lahat at walang bayad para sa mamamayan ng Maynila. Pati po yung OPD na ininagurate na para sa out patient dept. ginawala nila private dialysis. Bakit po naging business establish ang public service building for Manilenos? At isa pa naging magulo ang circulation ng admin at ng medical dept. Pinakikialaman lahat ni Dr…. na tao ng opisyal dito na parati niya pinagmamalaki at sinisigaw na malakas daw sya sa direktor at walang puede kumalaban sa kanya at kay Nurse … na napatanggal noon ni dating Mayor Lim sa Gat dahil nagnakaw at anomalya sa paniningil sa OJT na nurse nung taon 2008.

Nagtataka lamang po ako paano po nakabalik si Nurse na ito na nakasuhan din ng pandarambong sa kaban ng Gat Andres nung panahon ni Lim. Puwede po ba na ibalik ang dating nakasuhan at napatanggal?

Kunsabagay kung si Erap nga na convicted sa plunder ay nakabalik pa sa politika. Pero qualified pa po ba si Erap maging mayor o humawak ng anumang posisyon sa gobyerno? Hindi ba dapat ay disqualified siya dahil convicted siya sa kaso ng pandarambong?

Mahirap po kasi ang sistwasyon namin ngayon dito sa Gat Andres Hospital, parang Martial Law at mafia sila. Diktador po si Dr. … at Nurse… Sila ang nagpapatakbo sa amin at sila ang nagnanakaw sa pera na pumapasok sa may bayad na patient. Pinagmamalaki nila na malakas sila sa opisyal na matalik na ka-ibig-an daw ni Mayor Estrada na si …

Tapos sa mga income po ng Gat Andres Hospital ay may mga komisyon po sa mga professional fee, sa O.R. medicine, Pedia, Ent, O.B. at I.C.U. na 30% sina (2 doktor) at (2 nurses)… Sila po ang mga naghahati-hati ng PF at income na sinisingil nila sa pasyente.

Naawa kami sa mahihirap na pasyente. Awang awa kami na ilang doctors dito. Pero wala kaming magagawa, sunud-sunuran lang din kami sa mga opisyal dito.

Hindi lang namin alam kung alam ni Mayor Estrada ang mga nangyayari rito sa Gat Andres Hospital. Grabe ka-tiwali ang mga tao nyang inilagay rito. Napakalayo noong panahon ni Mayor Lim na napakaayos ng pamamalakad dito. Yun lamang po at salamat, Mr. Venancio.” -Concerned Doctor of Gat Andres Hospital.

Mga igan, itong Gat Andres Hospital ay isa sa apat na ipinatayong hospitals ni Lim noong alkalde siya ng Maynila. Ang dalawa pa sa anim na City-run hospitals ng Lungsod ay ipinatayo naman nina Mayor Villegas at Mayor Lopez o Mayor Lacson.

Ang Maynila ang tanging lungsod sa buong Pilipinas na may anim na public hospitals (Gat Andres Hospital, Tondo Hospital, Mothet and Child or Jose Abad Santos Hospital, Sta. Ana Hospital, Sampaloc Hospital at Ospital ng Maynila) na libre ang serbisyo noong panahon ni Lim.

Ngayon, lahat ay may bayad na sa sa mga nabanggit na hospital.

Pero kamakailan ay namigay si Mayor Erap ng medical ‘Orange Card’ para malibre sa mga naturang hospital.

Gayunpaman, nakatanggap parin tayo ng maraming reklamo na kahit may Orance Card na ay sinisingil parin sila sa alimang City govt. hospitals.

Hindi kaya sinasabotahe si Mayor Erap ng isang tao dyan na gustong pumalit sa kanya sa 2016?

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *