Saturday , November 23 2024

Impormasyon sa AIDS dapat ipalaganap

USAPING BAYAN LogoNAKAAALARMA ang lumalaking bilang ng mga kabataan na tinatamaan ng AIDS virus sa buong bansa.

Ayon sa datos ng Department of Health mula sa kabuuang bilang na 21,526 na sinasabing may AIDS, 30 porsyento nito ay mga kabataan na may edad 15-24 anyos. Bukod pa rito lumalabas na 90 porsyento nang mga nagkakasakit nito ay kalala-kihan na nakikipagtalik sa isa’t isa.

Bukod sa pagtatalik ng mga may kaparehong kasarian (lalaki sa lalaki), ang AIDS ay nakukuha rin mula sa paggamit ng maruming heringilya, lalo na sa hanay ng mga drug dependents; yung nasasalinan ng maruming dugo at ‘yung nahahawang mga sanggol mula sa kanilang ina na nagpapasuso kahit AIDS carrier.

Sa kabila ng kahindik-hindik na datos na ito ay nakatutuwang kumikilos ang pamahalaang pang-lungsod ng Kyusee para mabawasan ang mga nabibiktima ng AIDS sa lungsod. Pansinin na malaking bahagi ng mga nagkaka-AIDS ay naka-tira sa Kalakhang Maynila, lalo na sa Kyusee, Metro Cebu, Metro Davao at sa mga lalawigan ng Rizal, Kabite, Laguna at Bulakan.

Ayos kay Mayor Herbert “Bistek” Bautista at kay Vice Mayor Joy Belmonte, ang lungsod ay nagtayo ng mga klinika sa Novaliches at Bernardo Park sa kahabaan ng EDSA upang matulungan ang mga may karamdaman nito.

Naglulunsad din ng mga information drive kaugnay ng sakit na ito ang pamahalaang lungsod, DOH, USAID, at ang mga non-government organization na ROMP at Change. Sa kasalukuyan ay libo-libo na ang natulungan ng pamahalaang lungsod ng Kyusee.

* * *

Nitong nakaraang kolum ko ay naikwento ko sa inyo ang tungkol sa kaibigan ko na ninakawan ng motor sa Luneta Grandstand, ilang metro lamang ang lapit sa presinto. Ngayon ayon sa ilang kaibigan natin ay lumalabas na talagang kilala ng mga pulis ang suspek na isa umanong kagawad sa Lungsod Pasay na may inisyal na RV.

Itong si RV, ayon sa impormante natin, ay bata ng ilang pulis kaya pala malakas ang loob na tumira kahit sa mga lugar na kalapit ng presinto. Patong patong na kaso na pala ang kinakaharap pero wala pa rin nangyayari. Porsyentohan daw umano ang ilang pulis sa bawat tinitira ni RV. Ano kaya ang masasabi ng ating mga pulis sa usaping ito?

* * *

Kung ibig ninyo ng mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog ay magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 0498220514 / 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *