Saturday , November 23 2024

IACAT at iba pang gov’t agencies pinagtatawanan lang ng Emperor Int’l KTV Club

00 Bulabugin jerry yap jsyPARANG ‘diyablo’ raw kung humalakhak ang mga nagpapakilalang may-ari ng Emperor International KTV Club sa Remedios St., Malate, Maynila.

Hindi umano maubos ang halakhak ng isang alias RUDY NGONGO kasi nga naman nagmukhang engot lang ‘yung IACAT, NBI at PNP-CIDG.

Ni-raid ngayon pero hindi man lang naglipas-linggo , bukas agad-agad?!

Gusto na nating maniwala na ‘malaki’ ang tosgas at koneksiyon ng mga magkakasosyo d’yan sa Emperor International KTV Club.

Ibig sabihin malaki ang pinakawawalang ‘CASH PAYOLA’ para SWAK na SWAK ang operations nila .

‘E sa laki ba naman ng kinikita nila sa mga Chinese girl na rumarampang prostitutes d’yan sa Emperor, talagang tabong-tabo ang ta-kits nila.

Bukod sa kinakaladkad nila ang pangalan ng isang Malacañang official, mukhang mga bigtime rin ang mga kliyente ng Emperor na sumasangga rin sa kanilang mga ilegal na transaksiyon.

Tsk tsk tsk …

Hindi ko alam kung bakit nakalulusot kay Madam SOJ Leila De Lima ‘yang Emperor International prostitute este KTV Club …

Mukhang mabigat din ang bentahan ng ‘bato’ ng mga Chinese gangster sa VIP room ng club na ‘yan, ayon pa sa isang guest relation officer (GRO) nila?!

Nag-cashy-usan ‘este ayusan na ba sila sa DOJ-IACAT?

Just asking lang ho!

Dishonesty spells F-R-E-N-C-H B-A-K-E-R SM Manila (Paging DTI!)

DAHIL Pasko, maraming establisyemento ngayon ang nag-o-offer ng kung iba’t ibang klase ng promotion.

Gaya ng French Baker na mayroon ngayong Visit Parish In Summer 2015. Ang Grand Prize ay Family Vacation To Paris For 4 with free business class round trip airfare from Etihad Airways and 10 days Easy Pace France Tour na provided ng Insight Vacations, ang partner ng French Baker sa kanilang promo.

Ang kasunod na premyo 25 winners ng P5,000 worth of The French Baker Gift Certificate.

Ang promo period from November 5, 2014 to March 15, 2015.

Entitled sa isang raffle ticket ang customer na mayroong P500 single receipt.

Mayroon isang miyembro ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) na Senior Citizen na paboritong puntahan ang French Baker. Kaya lalo siyang natuwa nang malaman niyang may promo kasi nga naman everytime na kumakain siya sa French Baker, mahigit P500 ang nakokonsumo niya kasama ang ilang kaibigan.

Dati na siyang nagsasama ng mga kaibigan sa French Baker SM Manila at s’yempre dahil Senior Citizen, mayroon siyang discount na 20 percent sa kanyang total bill.

Heto na ngayon, last Wednesday, paggaling sa City Hall ay dumaan muli siya sa French Baker SM Manila.

E ‘di umorder sila, alam naman niya na pay as you order ang sistema sa French Baker.

Nagulat siya nang dalawang resibo ang ibinigay sa kanya, isa para sa nakonsumo niya na ‘yun lang ang mayroong 20 percent discount at isang receipt na full amount, meaning walang discount.

Aba, sabi nong member nating Senior Citizen, e ako lahat magbabayad n’yan bakit mo pinaghihiwalay ng resibo?

Ang sagot sa kanya, ganoon na raw ang sistema ngayon.

Aba kailan pa?!

Kailan pa inihiwalay ang resibo ng Senior Citizen sa mga kasama niya kung pupunta sila sa isang establishment, lalo na kung siya ang magbabayad.

Sa buwisit no’ng member natin, binawi niya ang kanyang pera at ipina-cancel ang order nila.

Sabi nga niya, nagkaroon lang sila ng promo, nanloko na sila ng tao?!

Ini-split ng French Baker SM Manila ang receipt para hindi maka-avail ng promo raffle ticket.

Malinaw na DISHONESTY ‘yan, French Baker SM Manila.

‘Wag kayong magpa-promo kung lolokohin n’yo lang ang mga customer ninyo.

Paging Department of Trade and Industry (DTI)!

‘Lubog’ na Kupitan ‘este Kapitan Sa Mpd

Dapat nang bigyan ng pansin ni MPD district director S/Supt. ROLLY NANA ang mga ‘lubog/timbradong pulis’ Maynila na hindi nagdu-duty sa kanilang assignment.

Dumarami na raw kasi ngayon ang pulis na imbes magtrabaho, ang inaatupag pagnenegosyo gamit ang impluwensiya ng patron nila sa Manila City Hall.

Gaya na lang ng isang mayabang na Kupitan ‘este’ Kapitan, na sa tulong daw ng kanyang walanghiyang padrino sa city hall ay nagagawa niyang makapili at magpalipat-lipat ng assignment saan man n’ya gustuhin.

Mula raw sa Divisoria ay nagpalipat sa MPD HQ para hindi mabulgar ang kolek-tong activities ng kanyang mga kamaganak kaya minabuti na lang n’ya na mag-sideline ng pangongontrata sa mga barangay.

Imbes mag-duty ay raket/kontrata umano sa mga barangay ang inaasikaso ni Kupitan ‘este’ Kapitan?!

Sonabagan!!!

Pinasusuweldo ng taumbayan ang nasabing opisyal pero imbes magserbisyo puro pansariling lakad ang diskarte ng damuho?!

Nagmamadali raw yumaman ang kumag dahil baka biglang mawalan na ng ‘power’ ang amo-amohan niya sa city hall.

Tatanungin kita Kernel Rolly Nana sir, pinapayagan mo ba ang ganitong diskarte o lubog na lespu sa iyong departamento!?

Iba’y ‘este aba’y kung hindi ‘e it’s about time na ipakita na kaya mo silang disiplinahin !

Kaya mo ba Sir?

1602 largado na sa Maynila

SIR Jerry, hindi lang po AOR ng STA CRUZ PS3 ang namumutiktik sa sugal ganun din po ang sugal-lupa sa MPD SAMPALOC, SANTA ANA, PANDACAN at ERMITA POLICE STATION. Mas malala po ang 1602 d’yan sa mga tinaguriang illegal gambling district noon sa Tondo. Tinalo na po ang TONDO 1 & 2 ng AOR ng PS-4,6,10 at 5 sa dami ng iba’t ibang ilegal n sugal gaya ng bookies nila PASYA, JO TONTON MARANAN at sarhenTONG Paknoy. Meron din COLOR GAMES at SAKLAAN sa Maynila. Kompleto na po lahat lalo ang demonyong Video Karera na dati ay mangilan-ngilan lang pero ngayon ho ay nagkalat na at perhuwisyo sa mga kabataan at pamilyang nalulugmok sa sugal. +63917664 – – – –

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *