Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Hiwalay na raw sa mister

Gud am Señor,

Vkit kaya po nngnip ako na mghihiwalay n daw kmi ng mister ko. Babala kaya ito at mangyayari kaya iyon sa tunay na buhay? Slamat— mrs Taurus. (09498777203)

To Mrs. Taurus,

Ang ganitong tema ng panaginip ay nagsasaad ng unconscious feelings na mayroon ka para sa kanya. Posibleng ito ay bunsod ng ilang mga nakatagong elemento na hindi mo hinaharap sa estadong ikaw ay gising. Ito ay maaaring may kaugnayan sa separation anxiety. Ikaw ay natatakot na ipadama niya sa iyo na ikaw ay hindi na kailangan ng iyong asawa, o kaya naman, nangangamba kang iwan ng iyong asawa at maging mag-isa ka na lang. Dapat na harapin ang mga isyu ninyong mag-asawa sa pamamaraang mas objective. Makabubuti rin na huwag maging padalos-dalos sa bawat pagpapasya, lalo na ang mga bagay na may kaugnayan sa pakikipagrelasyon o para sa kapakanan ng inyong pamilya. Dapat na malaman mo ang mga bagay na labis na mahalaga para sa iyo at kung ano ang mga priority mo sa buhay. Ang panaginip mo ay maaaring repleksiyon din ng mga tunay na pangyayari at damdamin ninyo sa isa’t isa ng iyong asawa, kasama na ang stress at mga hirap at sakit na kabalikat ng inyong relasyon. Maaaring kayo ay dumaraan sa isang mahirap na transitional phase at ikaw ay nagmumuni-muni sa ilang mga bagay na ginawa ninyong mag-asawa na maaaring pinagmulan ng maling desisyon. Kung maayos naman talaga ang pagsasama ninyo at wala kayong mabigat o malaking problema bilang couple, maaaring ang tema ng panaginip mo ay nagkataon lamang o nagmula sa ilang bagay na nagsilbing trigger kaya naging ganito ang nakita sa iyong panaginip, subalit hindi talaga ito ang sitwasyon na namamayani sa inyong pagsasama. Kung ganito nga ang sitwasyon ninyo, hindi dapat mag-alala na mauuwi sa hiwalayan ang inyong pagsasama. Subalit kung wala ang elementong ito (na naging dahilan para mag-trigger ng ganyang klase ng panaginip), maaaring daraan nga sa pagsubok ang inyong relasyon bilang mag-asawa. Subalit kung mahal naman ninyo ang isa’t isa at may labis kayong pagpapahalaga sa inyong pamilya, hindi dapat mag-alala dahil sa inyo mismo kusang manggagaling ang pangangalaga upang hindi masira ang inyong samahan at lalong magliyab ang init ng pagmamahal sa inyong mag-asawa.

Goodluck sa inyo and God bless.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …