Thursday , December 26 2024

Banta ni ER Ejercito hindi dapat maliitin ng kampo ni Aquino

MUKHANG malalim ang kirot at hapdi ng sugat likha ng politika sa puso ng dispalinghado ‘este diskwalipikadong gobernador ng Laguna na si ER Ejercito.

Nahalal si ER pero pinatalsik siya ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa labis na paggastos noong nakaraang eleksiyon.

Ipinagpapalagay ni ER na may kinalaman ang Palasyo sa diskwalipikasyon laban sa kanya.

Sabi nga ni ER, “Malalim na ang atraso ng mga Aquino sa mga Ejercito…”

‘E mukhang malalim po talaga ang laman n’yan Mr. President.

Palagay natin ‘e hindi pwedeng maliitin at balewalain lang ni PNoy ang banta ni ER.

Kung mananalo ang oposisyon sa 2016 elections, isa lang ang ibig sabihin n’yan, malamang sumunod si PNoy sa liga ng mga nakahoyong ex-president.

At ‘yan daw ang gustong makita ng angkan ni ER.

Tsk tsk tsk … gusto ko na tuloy maniwala na talagang may sumpa si Apo.

Kung ganyan ang sitwasyon hindi dapat magpa-petik-petik ang Kampo Aquino.

Kinakailangan nila ngayon ng isang winnable na presidentiable kung ayaw nilang makaranas nang patong-patong na asunto at kung ayaw nilang pumalit sa hoyo sa pwesto nina Johnny Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

Pwede nang tawaging “El Sociedad De La Venganza” ang lipunang Pinoy dahil sa hindi matapos-tapos na paghihigante ng angkan sa angkan sa politika.

Kaya ibig sabihin, political dynasty pa rin ang pinagmumulan ng political interest ng mga politiko sa bansa.

Siyempre kailangan ng mga angkan ng politiko ang kapangyarihan para manatiling protektado kung ano man ang kanilang ikinabubuhay at kung saan sila kumukuha ng limpak na kwarta.

Sabi nga ni Manang Bola, “Perlas kong bilog huwag tutulog-tulog …”

Alam mo na, Mr. President!

Quarantine ng OFWs at iba pang pasahero ligtas ba sa dengue?

GRABE naman ‘yung ginawang quarantine para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at ilang pasahero na nakitaan ng ilang sintomas na may problema sa kalusugan.

Aba ‘e kung  nakaligtas sa EBOLA ‘yung OFWs at ibang pasahero na mailalagay sa quarantine, baka sa dengue naman madale.

Wala bang itinatakdang pamantayan (standards) ang Department of Health (DOH) at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga itatakdang quarantine area?!

Hindi umano maintinihan ng mga pasahero kung saan sila itinapon.

E ‘kung mamamalagi sila roon ng ilang araw dapat maging komportable ang mga ika-quarantine.

Walang air-con, walang maayos na tulugan at sandamakmak ang lamok?!

Parang inabandonang barracks daw kinapuntahan nila.

Bureau of Quarantine, DOH and NAIA, paki-ayos po ang quarantine area!

Pataas tara ng DPS/TFOV sa Divisoria lumarga na! (paki-explain mr. Che borromeo)

TRENDING ngayon sa Divisoria ang dagdag-tara na kinokolektong ng isang alias BOY GAGO-BIOLA na para raw sa Manila DPS/TFOV (ask ‘este task force organized vending) ngayon pagpasok ng Disyembre.

Ang siste, umaaray at pilit na binubuno ng mga vendors ang dagdag-TARYA sa mga nagpapakilalang bagman daw nina alias “leche’ at “kulugo” diyan sa Manila City Hall.

Gaya sa Ilaya St., na ang kolek-TONG ay isang LISANG-TALAK na nagbibigay ng mahigit 12k linggohang intelihensya.

Sa J. Luna St., ang gamit ni Boy Gago-Biola ay isang ALEX na may kolektong na 20k pataas kada linggo. Sa kalye Recto, Soler, Roman, Abad Santos naman ay isang  tarantadong NAP naman ang kumukolektong ng 30-50k kada linggo sa hawla vendors.

Iba pa ‘yun kolektong na mas mataas na tara sa mga vendor ng pirated DVDs.

Mas matindi ang pitsaan sa mga kariton na nirerentahan ng pobreng vendors sa grupo ni Gago-Biola!

Obligado kasi na maghatag ang mga vendor de kariton ng P100 kada araw kay boy Gago-Biola para hindi na sila hulihin ngayon nalalapit na kapaskuhan na ang tubos ay P500-P1000.

Iba pa raw ‘yun regular na tara na 5k kada kariton bawat linggo.

Sonabagan!!!

Para palang mga linta ang mga hinayupak na ‘yan!?

Lumalabas daw na dalawang tara ang kinokolektong ng tropa. Isa para sa DPS, isa para sa TFOV.

Mr. Che Borromeo, may kinalaman ka ba sa mga katarantaduhan na ito?

Aba’y kung hindi e paimbestigahan at ipahuli n’yo ‘yang mga nagpapakilalang kolektong ng opisina mo!

Nakahihiya naman ‘yan sa slogan ng amo mo: Erap para sa mahirap!

Mga guwardiya ng Omni Agency balasubas

GOOD am po Sir, reklamo ko po itong Guard Francisco, Guard Gumatay, Guard Apurada, Guard Esla, walanghiya pong mga guard na ito, may maliit  po kaming canteen sa Palanan Makati. Utang po namin sa amo namin at Bombay ang puhunan namin. May mga utang po ang mga guard na ‘yan hirap po kami sa paniningil at wala pong nangyari ito pong Guard Francisco naisumbong na sa barangay wala din po nangyari. Omni Agency po sila. +6392048 – – – –

Shabu at Bookies (Ulit) sa Sampaloc (Paging: Bagman MPD Sampaloc)

GOOD morning Sir, lantaran na ang bentahan ng shabu dito po sa San Perfecto St., Samp. Mla bukod pa dito may bukis sa 1255 Parehas St. concern ctzn. +63905181 – – – –

May pulis-Valenzuela ba na patong sa droga?

GOOD pm, thanks po sa publish nyo sa mga pulis ng Valenzuela at pinatawag cla ng hepe at hindi pa rin cla natinag inulit pa ulit un hinuli taga-Malinta tapos pinakawalan din matapos nila hingian ng pera lalo na si Hernandez, Lim, Ruwbwa, at Dinauto yan un grupo sa drugs na pera2 lang tapos laya sila. un supplier d2 sa amin sa Malinta sila un dealer. pakipublish po salamat po nakakahiya sila. salamat po sa publish +6393269 – – – –

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *