Good morning Señor H,
Ask ko lang po yung tungkol sa panaginip q kagabi mama ng husband ko nkta ko sunug at nakahiwalay ang laman nya sa kanyang boto. pero never ko pa po sya nakta bago sya namatay… patay na po sya 11Years na po… Tsaka dun po sa panaginip ko ang daming aswang kumakain sa bahay thanks po .asap (09497151753)
To 09497151753,
Ang bungang-tulog ukol sa sunog o nasunog ay maaaring nagsasaad na nakararanas ka ng intense emotions at/o passionate sexual feelings. Mayroong ilang sitwasyon na hindi mo na maiiwasan at mababalewala. Alternatively, maaari rin namang nangangahulugan ito na kailangan mong magpahinga at mag-relax para na rin sa sarili mong kapakanan. Sa partikular na kaso ng bungang-tulog mo, depende sa konteksto ng iyong panaginip, ang makakita ng nasusunog sa panaginip ay maaaring simbolo ng destruction, passion, desire, illumination, transformation, enlightenment, o anger. Maaaari rin namang ang bungang-tulog mo ay nagsasaad na umiiwas ka sa ilang sitwasyon o gusto mong lumabas sa isang responsibilidad. Alternatively, ang panaginip mo ay maaari rin namang may kaugnayan sa iyong self image. Masyado kang nag-aalala sa pananaw o pagtingin sa iyo ng ibang tao.
Ang panaginip mo ay maaaring babala rin sa iyo na ikaw ay naiimpluwensiyahan ng mga taong negatibo at ikaw ay nakikihalubilo sa mga maling grupo ng indibidwal. Ang ganitong uri ng panaginip ay maaari rin namang isang paraan upang maresobla ang mga nararamdaman sa mga namayapa na. Alternatively, ang ganitong uri ng panaginip ay sumisimbolo sa material loss. Dahil ang napanaginipan mong tao ay matagal nang namayapa, ito ay nagsasaad na ang kasalukuyang situation o relationship sa iyong buhay ay may pagkakahawig sa napanaginipan mong namayapa na. Maaaring may kaugnayan ang iyong napanaginipan, kung paano mo iha-handle o hahawakan ang isang relasyon o kung paano mo hahayaang mamatay o magtapos na ito. Posible rin namang ang ganitong panaginip ay nagre-represent ng iyong takot na muling mawala ang mahal sa buhay, o kaya naman, isang paraan upang matanggap ang trahedyang ito o mga trahedyang nararanasan sa buhay. Ito ay maaaring paraan din upang magsilbing huling pagkakataon upang makapagpa-alam sa taong namayapa na, kahit man lang sa iyong subconscious.
Kapag nakakita ng aswang, maaaring may kaugnayan ito sa mga agam-agam na dulot ng iyong kapaligiran. Ang iyong bungang-tulog ang nagiging venue upang mas masuri mo ito o kaya naman ay mas maging mapagmatyag sa mga bagay-bagay na nangyayari sa iyo at sa iyong kapaligiran o ginagalawan. Posible rin na lumalabas sa iyong panaginip ang hindi pamilyar at napabayaang aspeto ng iyong sarili, pati na ang takot at insecurity.
Señor H.