Friday , November 22 2024

Mga pokpok pabalik-balik lang sa nightclub

00 firing line robert roqueNAGMUMUKHANG walang silbi ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at mga pulis ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa mga nire-raid nilang club nang dahil sa talamak na prostitusyon.

Sino ang matatakot at maniniwalang may pangil ang ating mga awtoridad kung ang mga club na kanilang nire-raid at ipinasasara ay muling nakapagbubukas at nakapag-o-operate, at ang mga pokpok ay nakababalik din para magbenta ng panandaliang aliw?

Halimbawa na rito ang Miss Universal Disco Theater and KTV na matatagpuan diyan sa FB Harrison na malapit sa Libertad, na namamayagpag kahit hindi kalayuan sa headquarters ng Pasay City Police at mismong Pasay City Hall.

Ilang ulit nang ni-raid at noon ay ipinasara pa ni Vice President Jejomar Binay dahil nahulihan ng mga menor de edad, pero naipatigil ba nila nang tuluyan ang operasyon nito? Pabalik-balik din ito at gano’n din ang mga GRO na bi-nabalikan para mailabas ng takam na takam nilang parokyano.

Pumutok ang balita noong isang linggo na balik na naman ang saya riyan sa Emperor International KTV Club sa Remedios St., Malate, Maynila dahil nariyan na ulit ang mga pokpok nilang babaing Chinese.

Nagyayabang pa raw ngayon ang mga taga-Emperor na hindi na sila puwedeng pasukin dahil nakatimbre na sila sa lahat. Ito ba ang dahilan kaya nakapagbukas sila agad kahit ni-raid ng NBI kamakailan?

Para marahil makaiwas na rin na masilip na pinagtatrabaho nila ang mga babaing Chinese na ilegal ang pamamalagi rito sa bansa ay iniba nila ang takbo sa club.

Ngayon ay nagkukunwaring kostumer ang mga dayuhang Chinese, pero roon pa rin sa loob ng club sila namimingwit ng dayuhan o Pinoy na kayang magbayad ng tamang presyo para sila ay makatalik.

Mukhang nakapulot sila ng estilo sa LA Café riyan sa M.H. del Pilar St., Ermita, Maynila na ilang ulit na rin sinalakay at ipinasara nang dahil sa prostitusyon. Parang 7-eleven ang club na bukas nang 24 oras araw-araw. Dinarayo ng mga dayuhang naghahanap ng panandaliang aliw.

Ang ikinakatwiran ng namamahala ay kostumer lang daw nila ang mga babae. Pero sa loob ng club nagaganap ang transaksyon ng mga pokpok at ng kanilang kostumer bago sila umalis papuntang ‘langit.’

Ganito na lang ba ang mangyayari sa tuwing magre-raid ang mga operatiba ng PNP at NBI? Maisasara sandali ang club para magbukas at muling mamayagpag? Hindi maiiwasang pagdudahan ang katapatan sa katungkulan ng mga awtoridad kung “close-open” ang kanilang hinuhuli.

Hindi makapagbubukas at makatatakbo muli ang mga club na iyan kung wala silang sinasandalang makapagyarihang tao na kaya silang saluhin sa huli. Kung hindi mababago ang ganitong sistema ay huwag na tayong umasang tunay na malilinis ang mga kabulukan sa ating lipunan.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View

Robert Roque Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *