NAGSAPAKAN ang ilang mga magulang sa isang toy shop sa Ireland bunsod nang pag-aagawan sa Elsa doll ng Frozen. (ORANGE QUIRKY NEWS)
NAGRESPONDE ang mga pulis nang magsapakan ang ilang mga magulang dahil sa pag-aagawan sa pagbili ng Elsa doll ng Frozen sa isang toy store sa Ireland.
Malaki ang demand para sa nasabing manika ng Disney’s Frozen lalo’t pa-lapit ang Christmas at maraming toy stores na ang naubusan ng kinagigiliwang Snow Glow Elsa model
At ito ay humantong sa karahasan sa pagpupumilit ng mga magulang na sila ang makakuha sa natitirang mga manika sa Smyths toy shop sa Airside Retail Park, Swords, Co Dublin.
Gayonman walang ina-resto sa insidente, ngunit kinuha ng gardai officers ang pagkakakilanlan ng mga kustomer at sinusuri na ang CCTV footage.
Ang 18-inch doll ay ibinibenta sa online sa halagang mahigit £60 halos doble ng normal retail price na £35.
(ORANGE QUIRKY NEWS)