Friday , November 15 2024

QCPD, “Diamond Jubilee” na and still alive para sa bayan

00 aksyon almarPARANG kailan lang nang italaga ako bilang police reporter sa Quezon City Police District (QCPD). Taong 1991 nang una akong tumapak sa QCPD na dating Central Police District Command (CPDC). Si Tata Romy (Gen. Romeo San Diego) yata ang Ditrict Director noon o ‘di kaya si Gen. Rodolfo “Lakay” Garcia.

Bilang isang bagitong police beat reporter noon, marami-rami tayong naging kaibigang police – ang mga ranggo pa noon ay PFC, Patrolman etc., hindi pa noon Police Officer One (1) o Chief Superintendent.

Kung pagbabatayan nga ang tawag sa ranggo noon ay masasabing matagal-tagal na nga ako sa Kyusi – 23 taon na rin akong nagkokober dito kaya marami-rami na rin akong nakilalang mga pulis, opisyal man o hindi hanggang District Director.

Hindi lang nakilala ang mga nabanggit kundi naging kaibigan, malapit na kaibigan, naging kumpare etc.

Wow, matagal – tagal na nga rin ako sa Kyu-si. Dito na rin tayo ‘bumata.’

Kahapon, ipinagdiwang ng QCPD ang kanilang 75thAnniversary “Diamond Jubilee.” Pinangunahan ni Sr. Supt. Joel D. Pagdilao bilang District Director, ang selebrasyon.

Sa selebrasyon, nagmistula itong reunion din ng mga ‘sinauna’ sa CPD o QCPD. Ibig kong sabihin, dahil sa Diamond Jubilee ang selebrasyon ay maraming bisitang mga dating nakata-laga sa CPD ang dumating. Hindi lang sila naging bisita kundi awardees pa. Pinarangalan ng Medallion para sa “Diamond Jubilee Award” ang mga naging DD na sina retired Generals Nicasio Radovan, Elmo San Diego, Romeo San Diego, Rodolfo Garcia, Magtanggol Gatdula.

Pinarangalan din ang aking mahal na kaibi-gang retirado na rin na si MAJ. HONOR TYAPON.

Hindi pinarangalan ang mga nabanggit dahil matagal na silang retirado o matagal nang pulis QC kundi kinilala ang kanilang malaking kontribusyon sa pulisya ng Kyusi.

Congratulations mga sir!

Kaya heto medyo natawa rin tayo sa award na nakuha natin. Hindi ko po kasi akalain na kilalanin tayo sa naging kontribusyon natin sa QCPD sa paghahatid ng balita sa mamamayan hinggil sa mga nagawa ng pulisya.

Oo kabilang din tayo sa tumanggap ng MEDALLION para sa DIAMOND JUBILEE celebration. Batid kong makatatangap ako ng award makaraang padalhan tayo ng sulat ni Chief Insp. Maricar Tabuena, PIO, QCPD pero, nagulat ako kahapon nang tingnan ko ang talaan ng awardees na kabilang ako sa tatanggap ng MEDALLION. Wow, may isasangla na ako.

He he he…

Nakatataba ng puso dahil kabilang ako sa kinilala para sa MEDALLION. Tanda ko na sa Kyusi kasi.

Kasama kong mamamahayag na pinara-ngalan ng Diamond Jubilee Award “Medallion” ay sina Doland Castro ng ABS-CBN at Reinir Padua ng Philippine Star, habang nakatanggap naman ng plaque bilang pagkilala sa naitulong sa QCPD ay sina Ricky Tulipat, Pilipino Star Nga-yon; Lily Reyes, Remate; Boy Santos, Phil. Star; Danny Querubin, Pilipino Mirror; Analy Labor, Daily Tribune; Gus Abelgas, ABS-CBN; Julie Aurelio, Phil. Daily Inquirer; Francis Wakefield, Manila Bulletin; Ed Versola, DWIZ; Jimmy Mendoza, Sonshine Radio; Val Gonzales, DzRH; Rambo Labay, DzXL.

Marami pa ring pulis ang pinarangalan ng Medallion at Karingal Award.

Sa mga pinarangalan, saludo po ako sa inyong lahat.

Siyempre, salamat po sa iyo Kernel Pagdilao sa pagkilala sa amin lahat.

Panginoon, salamat nang marami po.

Sa QCPD, congratulations po sa inyo.

Maraming salamat sa patuloy na pagbibigay ninyo ng seguridad para sa mamamayan ng lungsod.

God Bless you all.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *