Wednesday , December 25 2024

Garin dapat magbitiw

USAPING BAYAN LogoMAY palagay ako na dapat magbitiw sa puwesto si Acting Health Secretary Janette Garin matapos ang walang ingat walang at pakundangang pagbisita niya kamakailan sa mga sundalong nasa quarantine sa isla ng Caballo.

Kahit anong paliwanag ni Garin ay malinaw na mukhang hindi niya isinaalang-alang ang kapakananan ng bayan nang siya ay pumunta sa Caballo kasama si AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Catapang at iba pang tauhan ng DOH at AFP. Malinaw na para sa photo-ops lang ang lahat.

Hindi naman kataka-taka sapagkat napag-alaman ng inyong lingkod na dati palang pul-politiko si Garin.

Mukhang nalabag ni Garin ang batas na umiiral tungkol sa quarantine na nagmamandato nang pagsusuot ng mga protective gear sa isang quarantined areas tulad ng Isla ng Caballo. May palagay ako na tama ang sinabi ng pamunuan ng Philippine College of Physicians na seryoso ang nagawang breach ni Garin sa quarantine protocol.

Aba kung tatanggapin natin ang paliwanag ni Garin matapos siyang umani ng puna dahil sa kanyang pag-papaganda ay wala na palang dahilan para manatili sa quarantine ang mga sundalo. Dapat ang bumisita sa kanila ay kanilang mga mahal sa buhay at hindi ang isang OIC lamang.

Acting pa lang si Garin sa poder pero mukhang over-acting na siya.

* * *

Dapat tingnan ng ating pamahalaan ang probetsong hatid ng New Development Bank, isang bankong pandaigdig na itinayo upang tapatan ang mapang-abusong International Monetary Fund (IMF).

Ang NBD ay nagpapautang umano na walang taling kaakibat at sa maliit na interes lamang. Ito ang dahilan kung kaya maaaring makinabang ang ating bansa sa ganitong siste. Dapat na tayong kumalas mula sa tanikala na hatid ng IMF sa ating ekonomiya.

* * *

Baba nang baba ang halaga ng produktong petrolyo sa ngayon pero wala tayong kamalay-malay na ang pagbaba palang ito ay hindi bunga ng tinatawag na “market forces” kundi bahagi ito ng digmaang pang-ekonomiya na inilunsad ng Estados Unidos laban sa tumitindig na bansang Rusya.

Dangan kasi ang malaking bahagi ng ekonomiya ng Rusya ay nakabatay sa pagluluwas ng produktong petrolyo. Ang taya ng U.S. ay kung maibaba nila ang halaga ng produktong petrolyo sa pamamagitan ng over production nito at ng mga kaalyadong bansa na nasa OPEC ay babagsak ang halaga ng langis at kasabay nito ay babagsak din ang ekonomiyang Ruso.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *