MARAMI ang humanga at nagpapasalamat kay Customs DepComm. Jess Dellosa dahil ipinakita niya na talagang walang sinisino kahit malapit sa kanya kapag siya’y nagkamali gaya na lang sa pagpapasibak niya kay Jarvis Cinchess sa BOC-IG.
Ito’y dahil sa talamak na pangongolekta ng tara sa mga importer at broker. Hindi natin sinasabing totoo ito pero dahil sa ginawang pagmamanman ng grupo ng ISAFP na nakatalaga kay Dellosa ay naniniwala ako na may ginagawa siyang alingasngas.
Minsan din kaming hindi nagkaintindihan ni Capt. Cabading ang trusted aide ni Dellosa pero ngayon ay dapat na papurihan siya dahil sa kanyang ginagampanang trabaho sa Intel Group ng Customs.
Pati si CIIS Oca Tibayan at Troy Tan ay nakasama rin sa demolition job na ipina-operate ng kanilang mga kritiko.
May natanggap tayong report na may gumawa at pinondohan ang paninira sa grupo ni Gen. Dellosa na ang ginamit daw ay isang opisyal ng media group na bihasa sa black ops.
Naniniwala ako na matitino ang PMA class 79 dahil halos kaibigan ko ang mga dating opisyal ng AFP at PNP sa grupo nila na kinabibilangan nina dating Army Chief Lt. Gen. Arturo Ortiz, at si Army Maj. Gen. Pedro Soria na aking pinsan at si Col. Ariel Querubin, si dating Navy Chief Alexander Fama, at si dating PCG Commandant Admiral Wilfredo Tamayo, Jr., si Gen. Samuel Pagdilao at iba pang Class 79.
Simula noong 1986 napakarami kong naging kaibigan sa AFP at PNP dahil ako mismo ay nakikipaglibing sa mga sundalo at pulis na namamatay sa pakikipaglaban sa mga rebelde sa Mindanao kaya hindi naman sa nagyayabang ako, noong nagdaos ako ng aking kaarawan ay ginaganap mismo sa mga pasilidad ng military. Kaya po ako ay hindi na iba sa kanila.
Pero ‘yung scalawags ay aking inuupakan, kaibigan ko man o hindi dahil sa tawag ng aking propesyon bilang mamamahayag.
Kapag nagkamali rin naman ang BOC-IG ay aking pupunahin rin. Kaya ang payo ko lang sa mga taong namumuno sa BOC, huwag manakit ng damdamin ng kapwa.
Mabuhay ang BOC-IG!
***
Simula noong pamunuan ni MIAA GM Angel Bodet Honrado ang paliparan ay marami nang pagbabago rito. Nalinis niya ang mga dating katiwalian sa airport.
Napalayas na rin niya ang mga fixers at mga nakikipagsabwatan sa human trafficking.
Ayon sa mga nakakausap ko na ayaw magpabanggit ng pangalan, kakaiba raw talaga si GM Honrado dahil siya lang ang GM na maraming nagawa sa NAIA.
Kasi ‘yung iba raw na nakaupo diyan dati ay super corrupt sabi ng mga nakakausap natin. Hindi maiwasan na may nagagalit kay GM dahil ang mga kapritso nila at kalokohan nila ay pinutol at binago ni GM Honrado.
GM Honrado, pride ka ng Tarlac.
Mabuhay ka Sir at ganoon din si Pangulong Noynoy.