Wednesday , December 25 2024

Sa isla dapat nakakulong ang drug lords!

00 pulis joeyTUMPAK ang ulat ng ABS/CBN TV Patrol na sa kabila ng pagkakakulong sa National Bilibid Prison (NBP) ng sentensiyadong drug lords ay malaya pa rin silang nakapagtatransaksyon ng ilegal na droga sa labas ng piitan.

Ito’y dahil malaya silang nakagagamit ng communication gadgets sa loob para sa kanilang mga kontak sa labas.

Ang siste ng transaksyon: Ang bibili ng droga ay may kakausaping inmate na ‘bata-bata’ ng nakakulong din na drug lord at dito magkakaroon ng usapan kung saan kukunin ang droga at ang sistema ng bayaran. Kadalasan, sa mga casino nagkakabayaran gamit ang chips.

Ang mga kilalang drug lords na nakakulong sa Maximum Compound ng Bilibid ay sina Vicente Sy, Tony Co, Herbert Colangco at marami pang Fil-Chinese na mayroon mga kontak na Chinese na gumagawa ng shabu sa labas.

Kaya ang Bilibid ay nagsisilbi pang safehouse ng convicted drug lords. VIP sila sa loob. Bukod sa pinakakain sila ng gobyerno at guwardiyado pa.

Ginagawa nga lang nilang utusan ang jail guards at maging mga opisyal ng Bilibid dahil sa kanilang drug money.

Sabi nga ng aking sources sa Bilibid, napakahigpit ng jailguards sa mga dalaw ng mga ordinaryong bilanggo. Pero kapag bisita ng mga mga nabanggit na drug lords ay tuloy-tuloy lang sa loob. Pati mga prostitute, tilapia kung tawagin sa loob, ay labas-pasok lang umano sa kubol ng mga demonyo. Tsk tsk tsk…

Ang mungkahi naman ni Senadora Grace Poe ay palitan lahat ng opisyal at jailguards sa NBP.

Sa tingin ko ay hindi ito epektibo. Dahil tiyak sa kalaunan ay masisilaw din sa pera ng drug lords ang mga ipapalit.

Ang suhestiyon ko, lahat ng nahuling drug lords o mga bigtime na tulak ay ikulong sa isang isla na walang signal para sa komunikasyon at babantayan ng Marines. That’s it!

Reklamo ng trabahador ng Pericos canteen sa La Salle- Taft

– Mr. Venancio, mga worker po kami ng Perico’s Canteen sa La Salle Taft. Maka-hayop po ang trato sa amin, tipid na tipid sa pagkain. Kunting pagkakamali charge lahat sa employee kahit walang kasalanan. Ang manager dito na si V.C. hayop din kung kami tratohin, sinisigawan, pinapahiya kahit maraming tao. Ang masakit pa po pag nakainitan ka, tanggal ka ora mismo. Wala po SSS, PhilHealth ang mga bagong empleyado kung wala pang isang taon. Pag nagrereklamo kami sa Labor, wala naman nangyayari, kasi binabayaran lang po ang arbiter. Sana po help us naman. Marami na po tinanggal sa amin na wala naman mga mabigat na kaso. Patakaran daw po nila, pag ayaw na sa ‘yo, aalisin ka na kahit walang kasalanan. Kahit may sakit po kami, hindi man lang kami binibigyan ng assistance. Gusto namin mag-Labor pero wala kaming malapitan. Pakibigay alam naman po ito sa SSS office para mapuntahan sila. – 09291323….

Ang may-ari raw nitong Perico’s Canteen ay si Jose Perico. Sir, baka hindi mo pa alam ang problema ng iyong mga trabahador sa canteen d’yan sa De La Salle Taft, pakiayos na lang. Dapat natin mahalin ang trabahador dahil kabalikat sila ng ating pagnenegosyo. Remember: Marami nang nadidisgrasyang amo sa ‘di makataong pagtrato sa manggagawa. Mahalin natin ang trabahador…

Reaksyon ng Task Force Kaayusan ng Brgy. 306 (Quiapo, Manila)

– Magandang araw po! Ako si Edgar Carvajal, pinuno ng Task Force Kaayusan ng Barangay 306 Zone 30, Quiapo, Manila. Mariin kong pinabubulaanan ang text ng isang nagpakilalang concerned citizen ukol sa “Quinta Market sa Quiapo daig pa sa sikip ang Divisoria” na nalathala sa inyong pahayagan noong ika-16 ng Nobyembre 2014. Una, ako at ang aking mga kasama ay araw-araw na pumapasok mula 8am hanggang 6pm. Hindi alintana ang init ng araw at madalas na buhos ng ulan ay buong sikap naming inaayos ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Carlos Palanca St., Quiapo partikular sa tapat ng Quinta Market. Pangalawa, ang aming barangay ay may CCTV sa Carlos Palanca St., na nagmo-monitor sa traffic at may public address system din upang abisohan/panawagan ang mga naka-double park na sasakyan. Pangatlo, iniimbitahan po namin ang nasabing concerned citizen na magtungo sa Carlos Palanca Street upang patunayan ang nasabing malisyosong text message at humarap sa mga kinauukulan at ituro sa amin ang kanyang reklamo. May kasabihan po tayo na “bago po natin punahin ang ibang tao o lugar, tingnan po muna natin ang ating sarili at ang ating lugar.” Nasa harap ang mga mata ng tao, kadalasan nakakakita ng pagkakamali ng iba at hindi ang sariling pagkakamali. Sana po ay mabigyan ng pagkakataon ang aming panig na mailathala. Maraming salamat po. – 09228425…

Salamat sa inyong reaksyon, Mr. Carvajal.

Panawagan para kay Mayor Tecson ng Tanauan, Leyte

– Mr. Venancio, paki-kalampag nga si Mayor Pel Tecson dito sa Tanauan, Leyte. Kasi ang pangako nya pagkatapos maibigay ang 20K na cash voucher para sa materyales paggawa ng bahay, bibilang lang ng 10 days para mairelis ang 10K na cash para may pambayad suhol sa karpintero. Mag 2 months na po wala parin, nabubulok na mga materyales na kahoy at matigas na mga semento. Parang nagbibingi-bingihan lang si Mayor sa mga reklamo ng mga tao kahit panay banat rin sa kanya sa mga lokal radio station dito sa amin. Thanks ang more power. – 09104614…

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *