Friday , November 22 2024

PCSO ‘di dapat ipamahala sa politiko

00 BANAT alvinMALI ang gagawing hakbang ni Pangulong Noynoy Aquino sakaling magdesisyon na maglagay ng isang politiko sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ang isa sa pinakamasamang desisyon siguro na magagawa ng Pangulo dahil mababahiran ng politika ang serbisyo publiko na ibinibigay ng PCSO.

Alam naman nating ang PCSO ay itinatag para maglingkod sa mga kapos palad at hindi sa mga politiko na bukod sa may pansariling interes ay may mga among pinaglilingkuran.

Tatlo sa mga napapabalitang pinagpipilian ni PNoy na maging boss ng PCSO ay pawang mga dating mambabatas, dalawa sa kanila ay miyembro ng LP at ang isa ay matalik na kaibigan at supporter ng Pangulo.

Sa mga kaalyado ni PNoy sa LP, nababangit ang pangalang Hernani Braganza ng Pangasinan at Edgar San Luis ng Laguna.

Sina San Luis at Braganza, pawang natalong gobernador,  ay may endorsement ni DILG Sec. Mar Roxas habang si Bem Noel, dating kinatawan ng An Waray partylist sa Kamara ay maituturing na kaibigang matalik ni PNoy.

Si Noel din ang ipinantapat ni PNoy sa mga Romualdez sa Tacloban ngunit natalo ng pamangkin ni Imelda Marcos na si Alfred Romualdez, na asawa naman ng dating sexy star na si Cristina.

Hindi biro ang trabaho ng PCSO boss kaya’t ni katiting na malisya ay hindi dapat ito mabahiran dahil ang naturang ahensya na may malaking kaban ay pwedeng magamit sa kalokohan at pamomolitika,

Alam nating lahat na ang ugat ng kaso ni dating pangulong GMA ay paggamit intelligence fund ng PCSO kaya’t mas marapat lamang na hindi na ito maulit upang maiiwas ang naturang tanggapan sa kontrobersiya.

Pwede kasing gamitin ang pondo ng PCSO sa kandidatura ng mamanukin ni PNoy kaya’t upang mapangalagaan ng anak ni Cory ang kanyang name ay mas makaiiging hindi na politiko ang ilagay niya rito.

Humuhusga na ang taumbayan sa PNoy administration kaya’t dapat na siyang maging tapat sa “daang matuwid” dahil posibleng ang kasaysayang palagi niyang pinagbabasehan ng kanyang mga banat at desisyon ay maging maramot din sa kanya dahil isa rin siyang trapo.

 Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *