8MAKUPAD ba o sadyang binabagalan ang sistema ng paglalabas ng mga ORDER gaya ng detailing, re-assignment at iba pang dokumento na inihahain ng bawat pulis sa PNP-National Capital Region Police Officer (NCRPO)?
Ito ang hinaing ng ilang pulis na ipinarating sa atin, na halos mamuti na ang mata sa kahihintay sa order para sa kanilang assignment.
Ayon sa isang demoralisadong pulis, kapag walang ‘padrino’ o ‘pamato’ sa Bicutan ay tiyak aamagin ang order na ma-detail outside NCRPO Bicutan.
Pero kapag may ‘patron’ at pinagpapala ay mabilis pa sa alas-kuwatro na makukuha ang order sa iba’t ibang regional department ng NCRPO gaya sa CDS, DRDA at main records & personnel na R-1.
‘Yan ang mga daraanan ng papeles bago luma-bas ang order sa R-1 na magta-transmit naman sa mga police district kung saan ia-assign.
NCRPO director Gen. Carmelo Valmoria, magkano ‘este’ ano ba ang dahilan at inaabot ng siyam-siyam bago lumabas ang re-assignment order ng isang pulis matapos mag-comply sa sandamakmak na rekisitos?
Totoo po ba na may kalakaran rin na ‘pitsaan’ diyan sa teritoryo ninyo?
NCRPO R-1 chief Kernel AMPIL, totoo ba na kahit natutulog ka at tinawagan ng pamatong bossing ng isang pulis ay napapa-expedite mo ang papel nila?
NCRPO-CDS Gen. APOLINARIO sir, puwede ho ba na paki-verify lang sa police districts gaya sa MPD kung sinong mga pulis ang dapat na ibalik na sa distrito nila.
Baka matambakan na ng papeles ang mesa ninyo Sir!?
Unsolicited advice lang po NCRPO RD Gen. Carmelo Valmoria sir, paki-inspeksyon lang ho ang mga nabanggit na mga opisinang ‘yan para malaman natin kung gaano karami ang naka-hold at pending orders ng mga pulis.
‘E di ba Sir, may kakulangan ng pulis sa Metro-Manila bakit hindi ilabas agad ang mga ‘yan!?