Friday , November 22 2024

50 Pinoy musicians sa HK, pinahirapan sa pag-epal ni Erap

 

00 Kalampag percy

HINDI na nga nakatulong, nakasama pa sa overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong ang ginawang pag-epal ng damuhong ousted president at convicted plunderer na si Joseph “Erap” Estrada sa isyu ng Luneta hostage drama.

Ginamit niya ang insidente bilang destabilisasyon sa administrasyong Aquino at upang makapangolekta ng P110 milyon sa mga negosyanteng Tsinoy sa ibinayad na “compensation” sa mga pamilya ng nasawi sa trahedya.

Kesyo matapos ang paghingi ng apology sa HK ay tiniyak pa raw sa kanya ng Hong Kong officials na garantisado ang kaligtasan ng OFWs doon.

Pero sa naging karanasan ng Filipino musicians sa Hong Kong, kapahamakan ang idinulot ng pakikialam ni Erap.

Nang panahong iyon ay hinigpitan at pinaigting ng HK officials ang pagpapatupad ng visa requirement sa lahat ng estudyante, manggagawa, at mga residenteng Pinoy doon.

Tinanggal sa trabaho ang Filipino musicians noong Oktubre 2013, kaya napilitan silang tanggapin ang alok ng isang Pinoy na nagngangalang Carlo Galvez upang magtrabaho bilang baggage handler sa HK Airport habang sandaling panahon na lang ang kanilang hinihintay para mapagkalooban sila ng permanent resident visa.

Kadarating lang kamakailan sa bansa ng 11 Filipino musicians na dinakip at ikinulong ng Immigration authorities sa Hong Kong habang nagtatrabaho bilang baggage handler sa HK International Airport noong nakaraang Marso 26, o sa kasagsagan nang pag-epal ni Erap sa hostage crisis issue.

Inakusahan silang overstaying aliens at lumabag sa mga kondisyon nang pananatili nila sa Hong Kong, alinsunod sa section 41 ng Immigration Ordinance, Caption 115.

“Overseas employees are not allowed to change employment or take up part time job without the permission of the Immigration Department. Those who have breached their condition of stay will be liable to prosecution. Upon conviction, offenders can face a maximum fine of $50,000 and up to two years’ imprisonment.”

Depensa ng Pinoy musicians, nang alukin sila ng trabaho sa HK airport ay nagsumite naman sila ng mga dokumento, at ang pagtanggap sa kanila’y indikasyon na legal ang pananatili nila sa HK.

Maliban sa pagiging “collateral damage” sa galit ng HK government sa pag-epal ni Erap, duda nila’y inilaglag sila ni Galvez kapalit ng reward na HK$5,000 sa bawat tao na isusumbong sa immigration.

Hindi rin sila nakatanggap ng ayuda mula sa Philippine Consulate sa HK o alin mang OFWs advocacy group.

Magaling lang talaga ang mga politikong gaya ni Erap at ang gobyerno kapag nagagamit sa papogi o pagkakakitaan ang OFWs, pero kapag kailangan nilang gampanan ang tungkulin na bigyan ng proteksiyon ang mga tinagurian nilang “bagong bayani” hindi sila matagpuan.

 

PIERCING SHOTS . . .

DUMMY SI OLIVAR – Tama ang kampo ni Vice President Jojo Binay na tawaging dummy ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado si Ariel Olivar.

Si Olivar ay dummy ni Mercado sa pagbubulgar, hindi sa pagtatago ng mga ninakaw na yaman!

***

CONCENTRATION CAMP ANG RAC- Todo-tanggi naman si Honey Lacuna-Pangan, hepe ng Manila Social Welfare Department sa bansag na mistulang concentration camp ang palakad niya sa Reception and Action Center, aniya, dati na raw buto’t balat, hubo’t hubad ang batang si Frederico na nakunan ng larawan na nakahiga sa malamig at sementadong sahig ng RAC.

Kung gano’n, sayang lang pala ang milyon-milyong pondo na sinasandok sa kaban ng Manila City Hall kung wala naman palang silbi ang RAC!

***

200K REWARD SA MANILA POLICE KILLER – May P200,000 daw na pabuya para sa sino mang makapagtuturo sa pumaslang kay PO3 Ronaldo Flores ng Manila Police District (MPD), ayon kay Sr. Supt. Gilbert Cruz.

Sa koleksyon ba ng ‘kapitbahay’ ni Cruz na AL2FEREX ORGANIZERS, CO., na may tanggapan sa  No. 50 Vista Verde Avenue Extension, Vista Verde Executive Village, Cainta, Rizal, sa mga vendor sa Carriedo at Hidalgo dtreets sa Quiapo  manggagaling ang reward money?

***

LUPIGIN ANG KATIWALIAN – Tandaan natin, hindi lang ang pamilya Binay, kundi lahat ng kasama nilang tatakbo at dumidepensa sa kanila ay dapat itakwil at lipulin ng sambayanan sa 2016.

Sabi nga, “birds of the same feather are the same birds,” hehehe!

 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *