Wednesday , December 25 2024

Ang mga kuwestiyonableng epal ni Health ‘over’ acting Sec. Janette Garin

00 Bulabugin jerry yap jsyHINDI natin alam kung bakit parang biglang pumutok ang pangalan ni Health acting secretary Janette Garin sa issue ng vaccine procurement probe at quarantine ng Pinoy peacekeepers mula West Africa sa Caballo Island.

Gusto ba niyang mag-grandstanding bilang preparasyon sa pagpapatuloy ng kanyang political career o gusto talaga niyang manungkulan bilang Gabinete ni PNoy?

Sa totoo lang, kung itutulak ni Garin ang vaccine procurement probe laban kina on-leave Secretary Ike Ona at Health Undersecretary Eric Ta-yag, hindi maiiwasang makalkal ang pagkakasabit niya sa Napoles fake NGOs na sinabing isa siya sa nagdala roon ng kanyang pondo noong siya ay congresswoman ng District 1 ng Iloilo (2004-2013).

Hindi pa nakaklaro ang pangalan ni Garin sa pagkakasabit niya sa Napoles pork barrel scam.

Kaya kapag inumpisahan niya ang imbestigasyon sa nasabing isyu tiyak na makakaladkad din ang kanyang pangalan.

Hindi natin sinasabi na huwag imbestigahan sina Ona at Tayag, pero bakit hindi hayaan na ‘yung Commission on Audit (COA) o Department of Justice – National Bureau Investigation (DoJ-NBI) ang mag-imbestiga?

Bakit kailangang si Garin pa ang bumuo ng probe team na mag-iim-bestiga sa vaccine purchase?

Ang suspetsa nga ng marami ‘e mukhang si Garin pa ang nagpaputok ng isyu laban kina Ona at Tayag.

Kahapon lang, ‘yung quarantine issue naman ng Pinoy peacekeepers ang ‘binidahan’ ni Garin.

Dapat daw i-quarantine ‘yung Pinoy peacekeepers kaya dadalhin sa isang isolated island sa Caballo Island sa Cavite City para masuri muna.

Mantakin niyong pumunta pa siya sa Caballo island kasama si AFP chief of staff, Gen. Gregorio Catapang ‘e akala ko ba kina-quarantine ‘yun mga sundalo!?

What the fact!?

Dadalhin pa umano raw n’ya roon ‘yung mga taga-media para makita raw ‘yung island na pinagdalhan sa Pinoy peacekeepers.

‘E ano ba talaga epal ‘este acting Secretary Garin?

Ayon sa ilang DoH insider, alam nilang malakas si Garin kay PNoy pero hindi nila akalain na ganoon kabilis ang magiging desisyon ng Palasyo na siya ang iupong acting secretary dahil mara-ming career official sa Department of Health (DOH) na mas deserving sa kanya.

Ang relasyon nina PNoy at Garin ay maiuugat sa kanilang political career sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kahit magkaiba sila ng partido politikal.

Malakas din ang hibo ng pagiging ‘BALIM-BING’ ni Garin. Mula sa pagiging board member sa Romualdez country (Leyte) ‘e nagawa niyang lumangoy ‘este kumampay patungong Iloilo para maging congresswoman doon sa pamamagitan ng pagpapakasal sa anak ni dating congressman Oscar Garin na si Richard.

Sa panahong iyon siya ay nakabandera sa partido politikal nina FVR at GMA – LAKAS KAMPI CMD.

Sa Kongreso ay naging kaalyado ni Garin si PNoy nang isulong nila ang Reproductive Health (RH) Bill. Kaya nang pinalad na maging Pangulo ang kaalyado, mabilis na nakasungkit ng pwesto sa DOH bilang undersecretary nitong Hulyo 2 (2014) lang.

Si Garin ay Medical Technology graduate sa Divine World University, Tacloban City at nag-doktor sa St. Luke’s College. Hindi lang natin alam kung lisensiyado at nagpraktis ba siya ng pagka-doktor.

Kaya marami ang nagtataka, sa loob ng tatlong buwan mula nang pumasok sa DOH si Garin, biglang nawindang ang karera nina Ona at Tayag.

Tsk tsk tsk… delikado palang kaalyado si Garin, kaiingat na lang kayo…

Customer sa Emperor Int’l Club nahawa ng STD?!

WARNING lang sa mga parokyano ng untouchable na Emperor Int’l Club d’yan sa Remedios St., sa Malate, kaiingat lang kayo.

Mayroong Chinoy ang nagreklamo na nahawa siya ng STD sa isang bebot d’yan.

Mantakin n’yo nga naman, isang malaking club na karamihan ay dinarayo ng mayayamang Chinoy at dayuhang ilegalista ‘e hindi metikulosong mag-check ng kanilang mga guest relations officers (GROs)?! Aba ‘e gusto na nating maniwala na maraming babae d’yan sa Emperor club ang walang health permit.

Metro Manila Mayor ‘nakatikim’ din ng pambabastos sa BI-NAIA (Attn: Soj Leila de Lima)

ISANG Metro Manila Mayor ang nakahun-tahan natin kamakailan.

Nabasa rin niya ang naisulat nating pagpa-power-trip ni Mr. Immigration Officer (IO).

At nagulat tayo dahil siya pala mismo ay nakatikim rin ng pagpa-power-trip mula sa isang ogag na Immigration Officer (IO).

Dahil Metro Mayor at kilala ng madla, s’yempre iniiwasan niya na masyadong mapansin ng mga nasa airport ang kortesiyang ipinagkakaloob sa kanila bilang public official kaya nga mayroong liaison officer na siyang gumagawa no’n para sa kanila. Si Metro Mayor ay madalas magbiyahe kaya naman kilala na rin ang kanyang liaison officer sa airport Immigration.

Nagkataon na ang kanyang liaison officer ay natiyempo at natapat sa isang ungas na IO power-tripper rin… heto ngayon ang nangyari. Nang iabot umano ng liaison officer kay IO power-tripper ang passport ni Mayor, biglang umarko at nagsalubong ang kilay saka walang pero-pero na sinabing, “Walang mayor-mayor sa akin, papuntahin mo sa akin ‘yang Mayor na ‘yan!”

“Mayor din ang tatay ko” dagdag-yabang pa ng kapalmuks na IO.

Buti na lamang at napansin ng isang ‘Bisor ng Immigration, ang asta at lengguwahe ni IO power-tripper kaya sinabihan siya na, “I-process mo na ‘yan.”

Aba ‘e kung hindi nasabihan, ‘e talagang masusubo nang wala sa oras si IO power-tripper. Knowing the said Metro Mayor ‘e baka tuluyang mahimasmasan si IO power-tripper kapag kay Mayor siya ‘nakatikim.’

Sabi nga ni Mayor sa atin, pinalampas na lang daw n’ya ang insidenteng ‘yun pero sana’y huwag nang maulit at gawin sa ibang government official o sa isang sibilyan ang nangyari sa kanya sa kamay ng tarantadong IO.

IO ALDWIN PASCUA, kilala mo ba ‘yang tarantado na gago pa, mayabang, abusado, ungas at bastos na Immigration officer na ‘yan?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *