Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mabuti na lang kundi paktay ang pasahero at negosyo

00 aksyon almarksyoMABUTI na lang… at matino ang namumuno sa Quezon City Police District – District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID) na si Sr. Insp. Roberto Razon , kundi ay baka sa mga susunod na araw ay magkawindang-windang ang operasyon ng JAC Liner na nakabase sa EDSA near corner Kamuning Road, Diliman, Quezon City.

Oo kung hindi dahil sa bumubuo ng DAID ay marahil sa mga susunod na araw may mga bus ang JAC Liner na posibleng masangkot sa aksidente… ‘wag naman sana.

Paano kasi, mismong terminal master ng JAC Liner ang siyang tulak ng shabu sa ilang adik na driver at konduktor ng naturang bus company. Ha!

Nabuko ito nitong nakaraang linggo ng tropa ni Razon makaraang ikasa nila ang isang drug bust operation sa direktiba naman ni Sr. Supt. Joel D. Pagdilao, QCPD director, laban sa suspek na si Noel Fallorina.

Kaya kung hindi nabuko ng QCPD ang kalokohan ni Fallorina, naku po…tiyak mangangamote ang JAC Liner sa puwedeng mangyari sa kanilang mga sasakyang puno ng pasahero, dahil sa posibleng paggamit ng shabu ng ilan nilang driver/konduktor na suki ni Fallorina.

Kaya tulad ng naunang nabanggit, mabuti na lamang at nabuko ng DAID ang ilegal na aktibidades ni Fallorina.

Biyernes, Nobyembre 14, 2014 sa direktiba ni Pagdilao matapos makarating sa kanyang kaalaman ang operasyon ni Fallorina sa bakuran ng JAC Liner, agad na ikinasa ng tropa ni Razon ang buy bust operation laban sa master tulak este, master terminal ng JAC Liner.

Hayun, makaraan nga ang pagmamanman kay Fallorina, isang drug bust operation ang ikinasa laban sa kanya at matapos niyang bentahan ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 ang isang pulis na nagpanggap na buyer, dinamba na siya ng mga operatiba.

Bukod dito, nakuha kay Fallorina ang ilan pang gramo-gramong shabu.

Ayos, mabuti naman at nawakasan na ang operasyon ni Fallorina kundi ay maaaring maraming pasahero ang malagay sa panganib.

Salamat Kapitan Razon sampu ng inyong mga tauhan sa DAID…at lalo na po sa inyo Sr. Supt. Este, Chief Supt. Pagdilao sa direktiba ninyo laban sa kriminalidad at pagtutulak/pagbebenta ng shabu sa lungsod.

Sa trabaho ninyong ‘yan ay masasabing maraming buhay kayong nailigtas sa tiyak na kapamahakan.

Si Fallorina nga pala ang president ng JAC Liner’s Driver and Conductor Union.

Uli, saludo tayo kay Pagdilao at sa tropa ni Razon sa malaking huli na ito – oo, gramo-gramong shabu lang ang nakuha kay Fallorina pero sa isang banda, sino iyong nahuli… sino ang kanyang mga parokyano sa droga… at kung hindi naman nawakasan ang aktibidad ni Fallorina… sino ang magdurusa, ‘di ba ang mga pasahero ng JAC Liner?

***

Napag-usapan rin lang naman ang mabilisang aksyon ng QCPD. Aba’y dapat din saluduhan natin ang grupo ng Police Station 5 dahil sa mabilisan ding paglutas sa pagpaslang sa isang salon manager at taxi driver. Walang sabi-sabing magkasunod na binaril sa ulo ang dalawang biktima nitong nakaraang Linggo.

Sa direktiba naman ni Pagdilao, agad na nakuha ang trigger happy na si Larry Benuya. Matapos ang halos dalawang gabing pagtatago sa imburnal at naaresto si Benuya malapit sa Casa Milan Subd., QC.

Kaya, ang kaso ay considered solved!

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …