ANG unang group ng mga customs official na ibinartolina ‘este galing sa CUSTOMS POLICY RESEARCH OFFICE (CPRO) ay binalik na sa Bureau of Customs after one year of confinement to some research work daw sa ilalim ng Department of Finance (DOF).
Kung inyong matatandaan, naging kapalit nila sa kanilang position ang retired generals na gumagawa ng trabaho nila dapat sa BoC.
Pero mukhang hindi mapanatag ang kalooban ni Finance Secretary Cesar Purisima at ng Commissioner of Customs John Sevilla kaya naman they created another unit, kung saan ilalagay ang mga ibinalik na customs officials sa Customs monitoring unit (CMU) located sa CRIC BUILDING sa Port of Manila to do some researching again to help in the reform program by the government.
Ang siste, bakit napakahirap daw bumisita sa mga opisyal na para bang bumibisita sa isang kriminal or inmate sa Muntinlupa? Napakahigpit ng mga nagbabantay sa kanila. Ano ba ang dahilan at ganyan ang trato sa kanila?
May dapat bang hindi malaman ang taong bayan sa kanila?
But under the civil service law after one year detailed outside the bureau ay dapat ibalik muli ang isang government official sa kanyang puwesto pero hindi nasusunod ‘yan hanggang ngayon.
How long (again) will they stay sa CMU? Another one year na naman ba silang magdudusa?
Hindi ba naba-violate ang kanilang civil rights as a Customs career official?
Mukhang hindi na tuwid ang daan na ito ‘di ba?
Ricky ‘Tisoy’ Carvajal