Friday , November 15 2024

Pamilya ng tatlong tauhan na natabunan pinabayaan ni Mr. Pobre?! (Sa Brgy. Caggay, Tuguegarao City Illegal gold mining)

00 Bulabugin jerry yap jsyUGINANG pagiging gahaman umano ng nagmamay-ari ng illegal gold mine sa Maharalika Highway, Barangay Caggay, Tuguegarao City, sa ginto at sa kuwarta ay kitang-kita kung paano niya itrato ang kanyang mga tauhan.

Dalawang taon na ang nakararaan, Apat na tauhan ni Mr. Pobre ang natabunan ng lupa nang gumuho ang nasabing illegal mining.

Patay ang tatlong tauhan niya na sina Albert at Edward Asuncion, mag-ama; at Bernard Binoya, pawang residente sa Lasam, Cagayan.

Mabuti na lamang at nakaligtas ‘yung isa.

Pero ang nakaririmarim sa pagiging hidhid sa kuwarta at ginto ay ‘yung inabot pa ng tatlong araw bago nahukay ang bangkay ng tatlo.

At nang mahukay at ibinurol, wala man lang nakuha ni kusing ang pamilya nina Asuncion at Binoya. Mag-ama pa naman ‘yung dalawa.

Sumulat rin ang pamilya ng mga biktima sa Commission on Human Rights (CHR) pero mukhang wala sa panlasa ni Madam Etta Rosales ang ganitong mga kaso kaya wala na rin silang nabalitaan kung ano na ang nangyari sa kanilang reklamo.

Ibig sabihin ang inaasam na hustisya ng pamilya Asuncion at pamilya Binoya ay kasabay na rin nabubulok ng labi ng kanilang mga kaanak.

Kung ‘yung mga labi ay nabubulok, anim na talampakan sa ilalim ng lupa, ‘yung kasong inihain nila ay nabubulok sa mga ahensiya ng pamahalaan kabilang na sa CHR at Department of Natural Resources (DENR).

By the way, Secretary Ramon Paje, talaga bang paje-hirapan mo lang ang sambayanan mula nang maupo ka riyan sa DENR?!

Hanggang ngayon ba ay wala ka pa rin aksyon laban d’yan sa illegal gold mine na nasa Maharlika Highway, Brgy. Caggay, Tuguegarao City?!

Aba, isa kang PAJE-RAP na tunay!

Huwag sanang maging “Jollibee” International Airport ang NAIA

BALITA natin ‘e papalitan na raw ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) … pwede na raw itong tawaging JOLLIBEE INTERNATIONAL AIRPORT…Hik hik hik …

Kidding aside, mukhang hindi na necessity ang nakikita nating dahilan ng pagdadagdag o extension ng Jollibee fastfood ng isa pang tindahan sa NAIA terminal 1.

Considering na mayroon namang existing fastfood sa arrival greeters’ area, ang kauna-unahang Jollibee fastfood store sa NAIA noon pang 1998.

Ang alam natin ay sila rin ang nagke-cater sa mga empleyadong umo-order sa kanila for delivery para sa buong NAIA terminal 1.

Kung serbisyo at produkto ang pag-uusapan, kayang-kaya na ‘yan ng Jollibee sa 2nd floor ng Greeters’ Area sa NAIA T1.

Kaya naman nagtataka tayo kung bakit kinakailangan pang maglagay ng panibagong Jollibee sa Departure Area ng NAIA T1!?

Sobrang swapang at ganid naman ng dayuhang concesssionare na ‘yan! Sa kanya na nga ang Jollibee sa T-2 at T-3 pati ba naman sa T-1 ay gusto pa rin kopohin!

Nakinabang na nang husto sa GMA administration hanggang ngayon sa tuwid na daan ay namamayagpag pa rin sa mga kontrata sa airport.

Hindi ba masyado namang komersiyalisasyon na ‘yan kung bawat paglingon sa NAIA terminal 1 kahahanap ng makakainan ‘e Jollibee ang makikita ng pasahero?!

Bukod d’yan, tiyak na maaapektohan rin ang sales ng kauna-unahang Jollibee na halos 16 na taon nang nagseserbisyo sa mga pasahero at well wishers maging sa mga empleyado ng iba’t ibang ahensiya sa loob ng NAIA T1.

Lalo na’t ang balita natin ‘e ‘yun very influential ‘alien’ concessionaire ng airport na naman ang mangangasiwa sa planong Jollibee NAIA T1 Departure Area.

Hindi naman tayo naniniwala na masyadong ‘sabik’ sa ganansiya si Mr. Tony Tancaktiong.

Mas naniniwala tayo na siya ay negosyanteng may konsensiya at hindi niya pababayaan na mauwi na lang sa pagkalugi ang unang franchisee na ilang taon din niyang kasa-kasama sa pag-asenso ng Jollibee.

At sa bahagi ng Manila International Airport Authority (MIAA), papayagan ba nilang maging “JOLLIBEE” International Airport ang NAIA T1?!

Just asking lang po…

Lawton/Intramuros PCP kulang o walang lespu?! (Attn: MPD DD Ssupt Rolly Nana)

MISMONG mga pulis natin sa MANILA POLICE DISTRICT (MPD) HQ ang nagtatanong n’yan makaraang malaman nila na may mga ‘LUBOG’ o hindi pumapasok na lespu kapalit ng kanilang ‘timbre’ umano sa kanilang superior officer.

Kernel Rolly Nana, dapat mong tutukan ang masamang kalakaran na ‘yan. Imbes magtrabaho ang pulis ay naglalamyerda at naghihintay lang ng suweldo saka ‘bibi-yakin’ sa kanilang amo.

Dahil nga raw diyan sa ‘lubog system’ kaya kulang ang police visibility at tumataas ang krimen sa Maynila.

Gaya na lamang ng nasasakupan ng MPD PS-5 partikular sa Lawton at Intramuros na talamak pa rin ang illegal terminal, holdaper, tutok-kalawit, pitas gang, snatcher na ang kadalasang biktima ay mga estudyante at commuters.

Kernel Nana, pasadahan mo nga minsan ng surprise visit ang Lawton PCP at tiyak may matutuklasan ka riyan.

‘E may ilang pulis nga riyan na sa halip sa Lawton area umiikot ay nakaistambay at nagkukuyakoy lang sa loob ng National Press Blub building.

Sino ba ang binabantayan nila diyan!?

Gusto ng Cha-Cha

DAPAT mag-CHA-CHA na and do away w/ the very costly presidential election by shifting to the parliamentary system of gov’t and to amend the economic provisions of the constitution. The presidential candidates campaign chest is mostly funded by business and/or oligarch who will ultimate be the occupant in Malacañang.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *