Wednesday , December 25 2024

P150-M ‘Orange Card’ ipangsusuhol ni Erap sa mga justice ng SC

00 Kalampag percyWALANG leksiyon na natutunan si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada sa pagpapalayas sa kanya sa Palasyo noong 2001 at anim na taong pagkakulong dahil sa pandarambong sa kaban ng bayan.

Ipinagpapatuloy niya ang naudlot na “pagbubulsa” sa pera ni Juan dela Cruz, at ang masaklap ay kasabwat niya ang buong Konseho ng Maynila.

Para bihisan ng legallidad ang pandarambong, ginagamit nila ang gasgas na propaganda na nagmamalasakit sa mahihirap.

Bago naupo si Erap sa Maynila, libre ang lahat ng serbisyo medical sa anim na pampublikong ospital sa Maynila bilang isa sa mahahalagang programa ni Mayor Alfredo Lim.

Pero simula noong Marso 13, 2014 ay ipinatupad ng kanyang administrasyon ang City Ordinance 8331 (Omnibus Revenue Code) na nagtatakda ng bayarin sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center in Del Pan, Ospital ng Tondo, Justice Abad Santos General Hospital sa Binondo, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila at Santa Ana Hospital.

Ang 100 sa kada distrito na binigyan niya ng Orange Card lamang ang kung ‘di man libre ay discounted ang pagpapagamot, pero kapwa pinagbabayad din ng laboratory fees at kailangan bumili ng sarili nilang gamot.

Noong nakaraang linggo, nagpasa naman ng resolution ang City Council na naglalaan ng P150 milyon para pondohan ang Orange Card “raket” ni Erap.

Gagamitin daw ang P150-M para ipambayad sa medical expenses ng rehistradong indigents, bayad sa laboratory tests, pambili ng mga gamot at supplies, Philhealth cards at iba pang gastusin ng programa.

Ibig sabihin, wala talagang libre dahil lahat nang nagastos para sa pasyenteng may Orange Card ay babayaran din ng City Hall.

Kung ‘di ba naman malaking panloloko ito, dapat sana ay pinawalang bisa na lang nila ang Ordinansa na mas mataas kaysa ipinasang resolusyon.

Ginagamit ni Erap sa pagpapanggap na maka-mahirap ang mga maralitang Manileño at kasabay nito’y makakasangkapan niya pa para makapagnakaw.

Duda ang marami na ang P150-M ay hindi talaga para sa Orange Card, kundi para sa mga taga-”Kwarta Suprema” para patagalin ang paglalabas ng desisyon sa disqualification case laban sa sentensiyadong mandarambong.

Ito kaya ang laman ng attaché case na bitbit ng kamukha ni Atty. Te nang bumisita sa bahay ni Erap sa Polk St, Greenhills, San Juan City noong nakaraang Setyembre 14?

 

Tunay ang mga pirma ni Revilla, hindi peke

NGAYON pa lang ay tiyak na balewala na ang palusot ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. na pineke raw ng whistle blower na si Benhur Luy ang kanyang mga lagda kaya napunta sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) ni Janet Lim-Napoles ang kanyang P503.6-M pork barrel funds mula 2007 hanggang 2009.

Kinompirma ni Bong sa kanyang liham sa Commission on Audit (COA) noong Hulyo 8, 2011 na pirma niya ang nakalagay sa lahat ng mga dokumento na may kinalaman sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Dokumentado ang pag-amin ni Revilla sa COA.

Bistado na ng buong mundo, pork barrel naman talaga ang pangunahing misyon niya at ng ibang mga mambabatas kaya nila pinasok ang Kamara at Senado.

At kahit isang libong handwriting expert na testigo pa ang gamitin niya na magsasabing peke ang kanyang pirma, wala rin itong kabuluhan dahil ang mga dokumento na ebidensiya ay hindi nagsisinungaling.

Aminin man niya o hindi, imposible na hindi niya binantayan kung saan napunta ang kanyang P200-M PDAF kada taon.

 

FEEDBACK . . .

SABWATANG SUPREME COURT AT COMELEC – “Percy, I have been listening and following your program “Katapat” aired over Radio DWBL (1242 Khz.) via live streaming almost every night. I wrote you many months ago re: my personal opinion and assessment on Erap’s case re: the decision from the Supreme Court. I mentioned to you that SC will release its decision 6 months before the 2016 election. This way, with all the Motion for Reconsideration from Erap’s group, it will be too close for Mayor Lim to sit down as Mayor of Manila. Consuelo de bobo na lang na ibigay nila ang position kay Mayor Lim and SC will project an image to the public that they are doing their job, kunwari diqualifying Erap, but malapit na matapos ang term. I can feel that this was well planned, organized, with hidden agenda right from the very start when Erap filed his candidacy in 2013. Alam ni Com. Brillantes na disqualified si Erap but they pushed the issue to let him run as Mayor. Ang hidden agenda nila lahat ay let Mayor Lim file a disqualification case, anyway ipa-release ang decision close to 2016 election. By the time the decision becomes final, tapos na ang term ni Erap as Mayor Manila. I can see that (with my psychic instinct) SC will release its decision towards the end of 2015 in time for the 2016 election. I will attend the ceremony if Mayor Lim will take his oath as Mayor of Manila given 6 month remaining for his term na ibibigay ni Erap.” (Nancy, Dumaguete)

 

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *