Friday , November 15 2024

Ibalik nalang ang bitay laban sa mga tiwali!

00 pulis joeyPAKINGGAN natin ngayon ang samu’t saring sumbong, suhestyon, reaksyon at opinion ng ating mga mambabasa:

– Ka Joey, sana pangunahan nina Sen. Antonio Trillanes, Koko Pimentel at Alan Cayetano na ibalik na ang parusang bitay para sa mga tiwali o kawatan sa gobierno! – 09209607…

(Kontra po ang Simbahan sa parusang bitay o kamatayan. Si Lord lang daw kasi ang may karapatang kumuha ng buhay. Tama naman…)

Kaya ayaw sumipot ni VP Binay sa Senado…

– Mr. Venancio, kaya ayaw sumipot ni VP Binay sa Senado kasi baka itanong sa kanya kung nasaan sina Mr. Limlingan, Ms. E Chong, Ms. Martinez at Mr. Laureano Gregorio. At kung suportado niya ang anti-political dynasty bill. – 09088787…

(Oo nga naman… ang mga taong nabanggit ang maaring magdiin o makapaglilinis sa pangalan ni VP Binay. Nasaan na kaya sila? Hinahanting sila ngayon ng NBI).

Reklamo ng merchandizer ng Best Option Assistance Inc.

– Mr. Venancio, baka matulungan nyo po kami na mga ordinaryong merchandizer ng Best Option Assistance Inc. sa 608 Sierra Madre St., Boni Avenue, Mandaluyong City, kungsaan po ang client namin ay ang Smart na pag-aari ni Mr. MVP. Dahil isang supervisor po ng Best Option Inc., si Mr. A.B. ay nangha-harass na po ng mga merchandizer at ginagamit ang kanyang posisyon para mang-harass ng empleyado. Sana po ay inyo kaming matulungan. Maraming salamat po. – 09991690…

(Sa problema sa paggawa, si Department of Labor kayo maaring dumulog o mag-file ng formal complaint. Tungkol naman sa harassment ng inyong supervisor, ipa-blotter nyo sa pulisya)

Parag kendi lang ang bentahan ng shabu sa Anonas, Malabon

– Paki-tawag pansin po ang PDEA. Talamak po ang bentahan ng droga dito sa Malabon, sa may Anonas at Orange Sts. ng Barangay Potrero. Magdamag po nakatambay ang mga pusher. Parang kendi lang ang bentahan ng shabu dito. – Concerned citizen

Reklamo ng trabahador ng Citihomes sa Tandang Sora, Q.C.

– Sir Joey, reklamo lang po namin itong kumpanya namin na Citihomes. Kasi po may dalawang buwan na po kaming ‘di pinapasahod. Pinababale lang po kami ng P300 sa isang linggo. Kulang na kulang po sa isang pamilyadong tulad ko na nag-uupa ng bahay, ilaw at tubig,tatlo ang estudyante. Kulang po ang P300 na yun. Sana po ay matulungan nyo kami sampu ng aking mga kasamahan na nagtitiis sa ganitong pasahod ng Citihomes Development Corporation na may add o sa Tandang Sora, Quezon City. Maraming salamat po. – 09208826…

(Panawagan sa management ng Citihones Development Corp. Pakipaliwanagan nyo nalang ang mga manggagawa kung anong problema ng kumpanya nyo para hindi sila umasa at makapaghanap sila ng ibang mapapasukan)

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *