MUKHANG nagmamadali talaga si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixtong ‘este Sixto Brillantes, Jr., na makapagsubi raw sa kanyang pagreretiro.
Talagang iginigiit niyang maisulong ang pagbili ng bagong PCOS machine para umano garantisadong malinis ang eleksiyon sa 2016.
What the fact?!
‘E ang supplier at bidder din naman ‘e ‘yung SMARTMATIC at ang bibilhing PCOS machine ay ‘yung mga refurbish.
Mantakin n’yo, P3 bilyon na naman ang halagang gagastusin ng Comelec para sa bago kunong makina na gagamitin sa 2016 election.
Mismong si Archbishop Emeritus Oscar Cruz ay duda sa napakabilis na schedule ng bidding-bidding-an para sa bagong PCOS units. At nakikita na n’ya na Smartmatic na naman ang makakokopo nito.
‘Yan din ang basa ni Engr. Jun Estrella, isang IT expert at co-convenor of the Citizen for Clean and Credible Elections (C3E), plantsado na nga raw lahat para makopo na naman ng Smartmatic ang P3 bilyon na project na ‘yan.
Chairman, disenyo ng malinis na elekisyon ang kailangan hindi ‘yang bili-bili ng PCOS.
‘E alam mo namang pati disenyo ng pandaraya ‘e kayang-kaya nilang iprograma.
Tiyak tiba-tiba na naman ang walanghiyang Kumolek ‘este Comelec “3 million division” sa project na ‘yan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com