Friday , November 15 2024

Jinggoy palalayain ng Supreme Court?

00 Kalampag percyNAKABABAHALA ang inilabas na ulat sa online website ng rappler.com na posibleng makalaya na si Sen. Jinggoy Estrada.

Dapat lang banta-yan ng publiko ang Kor-te Suprema kung nais natin mapanagot ang mga nagsabwatan at gumahasa sa kaban ng bayan kaugnay ng P10-B pork barrel scam.

Ito’y matapos ilat-hala sa online website ng rappler.com ang ulat na “Tight SC voting seen on Jinggoy’s freedom.”

Ayon sa artikulo, hindi malayong makalaya na sa kanyang hawla si Sen. Jinggoy Estrada ngayong Pasko dahil sa “gapangan” sa Supreme Court.

Malamang raw paboran ng SC ang petisyon ng kampo ni Jinggoy na hindi pinairal ng Ombudsman ang due process ang pagkadawit sa kanya sa pork barrel scam.

Kung may “gapangan” ng kaso sa SC, ibig sabihin ay may “suhulan.”

Sabi pa sa ulat, tabla ang boto ng SC, 7 sa 14 na mahistrado raw ang pabor sa petisyon ni Jinggoy (deadlock), pero posibleng makasungkit ng isa pang boto kaya magreresulta sa kanyang paglaya.

Idiniin ng ulat na naiimpluwensiyahan ang desisyon ng SC na imposible naman yatang walang katumbas na halaga.

Kapag nakalaya si Jinggoy, siyempre walang dahilan para hindi sumunod na lumaya na rin sina Sens. Bong Revilla at Juan Ponce Enrile.

Ito’y tahasang pag-tumbling ng SC sa nauna nilang desisyon na illegal ang pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF) kaya’t hindi rin mapapanagot ang mga nagbulsa ng pondo.

Sakaling hindi paawat ang SC sa “pagsalba” kay Jinggoy, parang sinabi na rin ng mga mahistrado na talagang pera-pera lang ang batas sa ating bansa at wala silang keber kung maglaho man ang tiwala ng mga mamamayan sa hudikatura.

Masyadong mapanganib ang diskarteng ito ng mga mahistrado na puwedeng maging daan para mag-aklas ang taong bayan.

Hindi malayong matulad tayo sa Thailand na napunta sa kamay ng militar ang pamamahala sa bansa.

Hawak ni Erap sa leeg ang mga mahistrado?

KULANG na lang na deretsahin sa ulat ng Rappler.com na espesyal o VIP treatment ang atensiyon ng Supreme Court justices pagdating sa mga Estrada.

Sa dinami-dami ba naman ng kasong hawak nila, bakit nga naman paspasan ang pagresolba nila sa kaso kapag pabor pero “slow motion” naman kapag ang batas ay laban sa interes ng mga Estrada?

Maliwanag ‘yan sa disqualification case laban kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na itinetengga sa SC kahit sila mismo ang nagsabi na ilalabas ang desisyon noong nakaraang Hunyo.

Suspetsa ng marami, ginagawang “gatasan” ng mga mahistrado ang mga announcement pero kapag “ginapang” ay ibibitin ang paglalabas ng desisyon.

Sa tulong ng mga judiciary fixer at influence-peddler, kabisado na ni Erap ang “kiliti” ng mga mahistrado at kampante sa kanyang labag sa batas na upuan bilang alkalde sa Maynila.

Dahil nabulabog ng rappler.com report ang sindikato sa hudikatura sa kaso ni Jinggoy, na-turalmente na baguhin ang kanilang contingency plan para masiguro ang paglaya ng senador sa hawla.

Dapat bantayan ng publiko ang mga mahistrado na appointees ni GMA sa SC at Sandiganbayan na sasaklolo kay Jinggoy.

San Miguel Corp. disqualified sa Calax project; rebid illegal

DISQUALIFIED pala ang San Miguel Corp sa bidding ng Cavite-Laguna Expressway (CA-LAX) project.

Pero mukhang nakombinsi si PNoy na ulitin ang subasta sa naturang proyekto, kahit labag ito sa batas.

Kaya raw pala nag-aalboroto ang mga ne-gosyante na nababahalang maging precedent ito sa pagpapatupad ng mga Public-Private Partnership (PPP) program ng gobyerno.

Sakaling ipilit ni PNoy ang dispalinghadong diskarte, lumalagutok na sampal ito sa pagmumukha ni DPWH Secretary Rogelio Singson na balitang magbibitiw sa puwesto kung hindi su-sundin ang itinakdang patakaran sa bidding ng mga proyekto ng gobyerno.

Ito na siguro ang pinakaaabangan ni VP Binay para makaupo sa Palasyo sa kabila na sumambulat na sa Senado ang pagkakamal niya ng yaman sa mahigit 28 taong pamamayagpag sa Makati City.

Kung ayaw ni PNoy na matulad sa sinapit nina Marcos, Erap at GMA, dapat ay sumunod din siya sa “rule of law.”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *