Tuesday , November 26 2024

Illegal ‘gold’ mining sa Brgy. Caggay, Tuguegarao City may permit ba sa Mines & Geosciences Bureau ng DENR!?

00 Bulabugin jerry yap jsyISANG reklamo po ang ipinaabot sa inyong lingkod kaugnay ng illegal ‘gold’ mining na nangyayari sa Barangay Caggay (Zone 6 & 7), Maharlika Highway, Tuguegarao City.

Nagtataka po ang mga residente kung bakit tila walang pakialam ang tanggapan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) gayong kitang-kita sa loob ng lupain ang illegal mining.

Umabot na umano sa 40 metro o 120 talampakan ang hukay sa tabi mismo ng Maharlika Highway.

Isang Mr. POBRE umano ang sinasabing siyang nagpapahukay at nagpapadala ng iba’t ibang mining equipments na nakabalandra lang sa gilid ng highway.

DENR Secretary Ramon Paje Sir, ano ba ang ginagawa ng PENRO ninyo sa Cagayan at hepe ng inyong Mines and Geosciences Bureau sa Region 2 lalo na d’yan sa Tuguegarao?!

Mukhang sandamakmak ang nagsulputang illegal mining d’yan na ang labis na naapektohan ay mga residente dahil hindi maayos na naitatapon ang ‘lason’ mula sa minahan?

Illegal mining na, environmental pollutants pa.

Aba, hihintayin n’yo pa bang magkaroon ng malaking trahedya d’yan sa Brgy. Caggay dahil sa talamak na ilegal na pagmimina d’yan!?

Aksyon, Secretary Paje!

Parañaque Mayor Edwin Olivarez, ang ospital ay pagamutan hindi drawing lang!

KAHIT saang babasahin natin makita ‘e laging ipinagmamalaki ng administrasyon ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez ang ipinagawa raw niya na public general hospital sa Tambo, Parañaque.

Ang ipinagtataka natin paano naging general ang kategorya ng Ospital ng Parañaque gayong wala naman daw itong equipment sa loob.

Hindi nga raw makapagpa-confine ng pasyente dahil kulang na kulang sa kama at iba pang kagamitan.

Kaya ang pwede lang daw kumunsulta ay out-patient at maghihintay pa ng doktor!?

Aba naman, paano ka naman nagpagawa ng ganyang kalaking ospital sa loob ng isang taon at kalahati tapos wala naman palang pakinabang ang mamamayan?!

Hindi ba project ni dating Mayor Jun Bernabe ‘yan na inabutan at tinuloy mo lang!?

Saan napunta ang ipinangangalandakan mong budget para sa isang state-of-the-art na general hospital ng Parañaque?!

Ang laking drawing pala n’yan?!

Gusto tuloy natin tanungin si Mayor Edwin, kung gamay ba niya talaga o alam ba niya talaga ang trabaho ng isang local government chief executive?!

Bumili ng mga makinang pang-dredging ang pamahalaang lokal ng Parañaque pero walang pambili ng medical equipments para sa ospital?!

Sonabagan!!

Mukhang puro press release na ampaw lang ang alam ng public information officer mo na si Nono, Mayor Edwin Olivarez ?

Hindi na ako magtataka kung d’yan ka masilat sa ‘yong papogi press release.

Aba, itsek mo muna ang inilalabas na press release n’yan bago bigyan ng GO SIGNAL.

Matuto ka sana sa erpat mo Mayor Edwin!

Sa integrasyon ng IPSC sa airfare LBP employees nawalan ng trabaho

KUNG sakaling matuloy na ang integrasyon ng P550 international passenger service charge (IPSC) na naka-TRO pa ngayon, o mas kilala sa tawag na terminal fee, sa pasahe sa eroplano, e mawawalan ng trabaho ang hindi kukulangin sa 100 contractual employees ng LBP.

Sila ‘yung LBP agency contractual employees na nakakontrata sa Manila International Airport Authority (MIAA) para sa paniningil ng terminal fee sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pero dahil isinama na sa airfare ang terminal fee, hindi na kailangan ang hiwalay na booth o kahera para rito. At d’yan naisakripisyo ang LBP employees.

Maraming LBP employees ang umiiyak ngayon dahil alam nila na anytime ay masisibak na sila sa kanilang trabaho sa airport. Karamihan sa kanila ay more than 20 years na rin na naglingkod sa NAIA.

Napakasakit at napakalungkot na kung kailan magpa-Pasko ay saka pa sila mawawalan ng trabaho.

Ang tanong lang natin, may alternatibong solusyon ba ang MIAA management para sa LBP employees na mawawalan ng trabaho?

O maidaragdag sila sa listahan ng mga jobless o walang trabaho sa ilalim ng ‘Daang Matuwid’ ni PNoy!?

Sawing-sawi ang sambayanan

SAWING-SAWI talaga tayo sa rehimen na ito, tayong mga maliliit na mamamayan pa rin ang biktima. At patuloy na binubuhay ang batas at binubulok pa rin ang lipunan natin. Pagtahak pa rin sa daan ng pagdurusa at nakgapos tayo sa kahayupan, patay-gutom pa tayo sa katarungan!! Ka tropa Donald ng tundo!!! +63919665 – – – –

Mga ‘simpleng’ holdaper sa C.M. Recto Ave., papuntang mendiola

SIR JERRY, reklamo ko lng po d2 po sa kahabaan ng Recto papuntang Mendiola may mga pasimpleng holdaper po na tumatabi sa iyo lalo na po kung naksakay ka sa harapan jeep, minsan na po nangyari sa anak ko po na babae lalo na kung magsisimba siya sa St. Jude. Pakiaksyonan naman po sa mga pulis d’yan o baka naman mga bataan din nila ‘ung mga salot d’yan kasama na po ung mga antipatikong mga driver ng Divisoria – Recto. Salamat po.

+63915435 – – – –

Kotong cop sa Lawton vendor?

GANDANG araw po, ireport ko lang po ang pangingikil nitong c SPO1 Iko Salazar ng Lawton sa aming mga vendor ng Lawton at Quiapo kpag ndi kami nglagay huhulihen kmi. +63921616 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *