Thursday , November 14 2024

Ang tunay na kahulugan na patriotismo

00 PALABAN GerrySa mga diksyonaryo, ang kahulugan ng Patriyotismo ay malawak. Pero karamihan dito ay pagtungkol pa rin sa pagmamahal sa bansa. Ang pagmamahal ng isang tao sa kanyang bansang kinabibilangan ay isang abstract na salita. Ito ay dapat mabigyan ng buhay hindi lamang sa salita kundi maging sa gawa. Sa mga sundalo ang kahulugan ng patriyotismo ay ang kahandaan nila na ialay ang kanilang buhay para sa bansa, kaya sa mga pagsasanay, ito ay parang novena na paulit ulit na pilit na ipinupunla sa isipan, sa puso at maging sa gawa nila.

Kaya sa mga sundalo kapag interes na ng bansa ang pinaguusapan, kaya nilang itaya ang buhay nila dahil ito ang natutunang itibok ng kanilang mga puso at ito rin ang idinidikta ng kanilang isipan.

Sa sundalo ang, patriyotismo ay sakripisyo at kahandaang ialay ang kanilang buhay para sa bayan.

***

Sa isang ordinayong mamayan, ang patriyotismo, ay may ibang dimensyon pakahulugan, hindi nila kinakailangang magpakamatay para mapatunayan lamang ang kanilang pagmamahal sa bayan. Ang kinakailangan nila ngayon sa makabagong panahon ay ang pagpapahalaga nila sa kanilang mga kababayan partikular sa mga taong napapaligid sa kanila. Kasama dito ang kanilang pagsunod sa mga batas at obligasyon nila sa gobyeno. Kasama na diyan ang pagbabayad ng buwis upang matulungan natin ang ating bansa na maging matatag.

***

Ang Panatang Makabayang ating paulit-ulit na binibigkas ay isang   instrumentong hinuhubog natin ang ating kaisipan at puso sa kahulugan ng tunay nating pagmamahal sa ating bayan. Dapat sa bawat titik na ating pagbigkas nito ay atin itong idinudugtong sa ating puso at isipan upang maunawan nating ang tunay na kahulugan nito.

Alam kong mayroon pa rin sa ating mga kababayan ang hindi pa nagkaroon ng pagkakataong   mabasa ang kabuuhang anyo ng ating Panatang Makabayang , kaya bayaan nyong ilatag ko ito sa aking kolum ngayon para mabigyan tayo ng pagkakataon muling basahin ito at namnamin ang tunay na kahulugan nito.

Narito po ang ating Panatang Makabayan “ Iniibig ko ang Pilipinas. Ito ang aking lupang sinilangan. Ito ang tahanan ng aking lahi. Ako ay kanyang kinukupkop at tinutulungan. Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang. Bilang ganti, diringin ko ang payo ng aking mga magulang. Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan. Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamayang makabayan at masunurin sa batas. Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan. Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.”

Sa bawat pagtaas din ng ating watawat ng Pilipinas ay atin din binibigkas an

Panunumpa ng Katapatan sa Watawat. Ito ang mga titik na nakasad dito na sana ay maisapuso ng bawat Pilipino “ Ako ay Pilipino. Buong katapatang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas at sa bansang kanyang sinasagisag na may dangal, katarungan at kalayaan na ipinakikilos ng sambayanang maka-Diyos, makatao, makakalikasan at makabansa”

Ang mga titik na ito na nakapalaman sa “Panatang Makabayan” at “Panunumpa ng Katapatan sa ating Watawat” ay dapat patuloy nating pag-aralang isabuhay para sa kapakanan ng ating inang bayan.

Gerry Zamudio

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *