TULUYAN nang pinangatawanan ni Vice President Jejomar Binay na huwag harapin ang Senate Blue Ribbon Committee.
Kung noong una ay sinabi niyang hinsi siya haharap sa sub-committee, at tanging sa mother committee lamang siya haharap, ‘e napatunayan natin na hindi pala totoo ang pahayag na ‘yan.
Pero nang imbitahan ni Senator Teofisto Guingona III, ang pinapunta ni VP Binay, ang spokesperson niyang sina Atty. JV Bautista at Navotas Re. Toby tsongke este Tiangco.
Pero hindi na hinayaan ng Committee na magkainitan pang muli starring Cong. Tsongke este Tiangco.
Alibi lang pala ang lahat kumbaga.
Aba ‘e kung ganyan ang style ni VP Binay, mas makabubuting huwag na rin harapin ni Senator Antonio Trillanes III ang debate.
Ano pa ang saysay ng debate?
Magiging lunsaran ng propaganda ni VP Binay?!
Sa palagay natin ‘e hindi magandang ehemplo ang ipinakikitang ‘gulang’ ni VP Binay sa mga batang politiko.
Dapat tandaan ng mga batang politiko na hindi uubra ang ‘in good faith’ sa mga tahiran at magugulang na politiko.
‘Yun lang.