TULUYANG NAGPANAGPO ANG KATAWAN AT DAMDAMIN NINA ROX AT DADAY
At nakalaan itong magsakripisyo upang maiahon sa abang kalagayan ang mga mahal sa buhay.
“Hindi ako papasok ngayon sa trabaho,” pag-aanunsiyo sa kanya ni Daday.
“Bakit?” naitanong niya.
“Dahil special holiday ngayon…” si Daday, naghalik sa kanyang noo.
“A-ano’ng okasyon?” pagkukunot-noo niya.
“Nandito ka, e… special guest ko. Kaya espesyal ang araw na ‘to para sa akin,” sabi ni Daday.
Sa pagbuka ng bibig niya sa pagkamaang ay bigla na lang siyang sinakmal ng halik ni Daday. Mahigpit na lumapat ang mga labi nito sa kanyang mga labi.Pinag-init niyon ang dumadaloy na dugo sa buong katawan niya. Muli siyang nasabik na lasapin ang kaligayahang ini-hain sa kanya. Sa ikalawang pagkakataon ay nagmistula siyang bubuyog na su-misimsim ng nektar sa talulot ng isang bulaklak. Ay! Paulit-ulit tuloy silang nakarating ni Daday sa rurok ng kasiyahan.
Kinabukasan ng hapon ay sabay na silang umalis ni Daday sa inookupahan nitong kuwarto. Hindi pwedeng hindi pumasok sa club dahil wala nang kikitain ay pagagalitan pa ng manager ng bahay-aliwan. At hindi rin naman siya pwedeng hindi maghanap ng ikabubuhay. Hindi maaaring hindi siya kumilos kahit talagang nagrerebelde na ang utak niya sa panga-ngalahig ng mababahong basurahan sa araw-araw.
Bago sila naghiwalay ni Daday ay ibinigay muna sa kanya ang pinaglumaan nitong cellphone. At nag-ipit pa ito sa kamay niya ng limangdaang pisong pampa-load.
“Text-text lang tayo…” ang bilin nito sa kanya.
Sa pamamagitan ng cellphone na iyon ay nagkaroon ng komunikasyon si Rox kay Daday. Doon sila nagkukumustahan at nagkakabalitaan. Pero dahil na rin sa madalas nilang pag-uusap kung kaya’t naging magulo ang takbo ng utak niya. Hindi tuwiran ang pagsasabi sa kanya ni Daday na ibig nitong magpasundo sa club. Tuwing alas-dos iyon ng madaling-araw, oras ng pagsasara ng bahay-aliwan. Pero gayon ang pahiwatig nito sa kanya. (Itutuloy)
ni Rey Atalia