KUNG ipagpipilitan ng Kongreso na busisiin ang Judicial Development Fund (JDF) ng Hudikatura, dapat na sagutin ng mga hukuman na “Noli Me Tangere,” ang pamagat ng obra ni Dr. Jose Rizal.
Ito ang panawagan ng Mamamayan Bayan Abante Movement na si dating Manila Rep. Benny Abante sa kanyang mga dating kasamahan sa Kongreso kasabay ng paghimok na tigilan na ang pakikialam sa JDF na pinagkukunan ng mga allowance ng justices, ng mga hukom at iba pang kawani ng Hudikatura na itinatag sa ilalim ng Presidential Decree 1949.
Itinatadhana ng na-sabing batas ang pagta-tabi ng 80 % mula sa koleksyon ng mga hukuman para sa allowance ng mga kawani at 20 % para sa pagpapaayos ng mga pasilidad.
“Noli me tangere” ang salitang Latin na katumbas ng linyang “huwag mo akong salingin” na pamagat ng akdang nobela ni Jose Rizal na itinuturong nagpamulat sa mga Filipino sa dinaranas na paghihirap sa ilalim ng kolonyal na pangangasiwa ng bansang Espanya.
Ayon kay Abante, “Oo nga’t nasa mandato ng Kongreso ang ‘power of the purse’ pero dapat respetohin ang kasarinlan ng mga kapantay na sa-ngay sa pamahalaan gaya ng Hudikatura.”
“May dahilan kung bakit ginawaran ng ‘fiscal autonomy’ ang sa-ngay hudikatura para ligtas sa panghihimasok at impluwensya o pamo-molitika ng Kongreso at ng Sangay Ehekutibo,” paliwanag ni Abante na dating Chairman ng House Committee on human Rights.
Idinaing ni Abante ang malawak na impres-yon sa pagiging ‘bengga-tibo’ ng mga kaalyado ng administrasyon sa Kamara matapos magbanta ang ilan na bubusisiin ang JDF pagkababa ng desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklarang hindi sang-ayon sa Saligang Batas ang Disbursement Acceleration Program (DAP).
“Tama ang tinuran ni Chief Justice Sereno – kaduda-duda ang ‘ti-ming’ ng imbestigasyon ng Kongreso sa JDF. Kwestyonable rin ang si-nabi nilang dahilan sapag-kat wala naman magpapatunay sa pag-aabuso, o paggamit sa nasabing pondong labag sa 80-20 formula ng PD 1949,” ayon kay Abante.
“Mas makabubuti para sa Kongreso kung igugugol ang panahon sa paghahanap ng ayudang pinansyal para sa ating hukuman na dumidinig sa mahigt na isang mil-yong kaso taon-taon,” giit ni Abante.
Sa kabuuang bilang ng bumabahang kaso sa mga hukuman kada taon, halos 644 kaso ang dinirinig ng bawat isang huwes o tatlong kaso araw-araw bawat isa sa kanila.
HATAW News Team