SA PATULOY na pagsisikap na maiangat ang antas ng mga empleyado at manggagawang kababaihan, inilunsad ng Integrated Paralegal Association of the Philippines (IPAP) sa pagtataguyod ng Department of Labor and Employment – National Conciliation and Mediation Board (DOLE-NCMB) ang Advocacy and Capacity Building on Gender and Development Seminar for Labor Law Paralegals nitong Agosto 15-16, 2014 sa Brentwood Suites, Dr. G. Garcia St., Brgy. Paligsahan, Quezon City. Nasa larawan ang mga opisyal ng IPAP sa pangunguna ng founding chairman na si Tom Semana, isa nang accredited voluntary arbitrator (AVA); Dennis Mallari, Albert Abecilla, President, IPAP/DFPEA; Ronald Sarmiento, Vice President, IPAP/WYETH; Gregorio Agor, Jr., Secretary, IPAP/DFPEA. Kasama din ang mga board member na sina Rene Decasa, IPAP/Tropical Hut; William Abayan, IPAP/SkyCable; Toto Villoso, IPAP/DFPEA; Onchie Lascano, IPAP/Tropical Hut; Anna Dela Torre, IPAP/Metro Club; Roberto Flormata, IPAP/ Chinese General Hospital and Medical Center Employees Association; Antonio Rojo, IPAP/AMCOR; at Fernando pagal, Jr., IPAP Adviser. (RAMON ESTABAYA)
PARA higit na maiangat ang antas ng mga empleyado at manggagawang kababaihan, inilunsad ng Integrated Paralegal Association of the Philippines (IPAP) sa pagtataguyod ng Department of Labor and Employment – National Conciliation and Mediation Board (DOLE -NCMB) ang Advocacy and Capacity Building on Gender and Development Seminar for Labor Law Paralegals nitong Agosto 15-16, 2014 sa Brentwood Suites, Dr. G. Garcia St., Brgy. Paligsahan, Quezon City.
Ang paglulunsad ng nasabing seminar ay bilang bahagi ng layuning lubos na maisulong ng mga paralegal volunteers ang adbokasiya sa capacity building at gender development.
Ang IPAP ay organisasyon na binuo ni Tom Semana, isang paralegal volunteer na ngayon ay kinikilala na ng DOLE – NCMB bilang accredited voluntary arbitrator (AVA). Pormal na kinilala ng DOLE ang IPAP noong Hulyo 18, 2007.
Ang IPAP ay naglalayong iangat ang moral, panlipunan at pang-ekonomiyang katayuan ng mga miyembro nitong empleyado at manggagawa sa isang kompanya alinsunod sa itinatadhana ng batas paggawa.
Isa sa mga naging inspirasyon ni AVA Semana sa pagtataguyod ng IPAP ang kakulangan ng programa sa edukasyon ukol sa mga karapatan at mga batas na iniakda upang maproteksyonan ng estado ang mga manggagawa.
Ang IPAP ay binubuo ng mga indibidwal na nakapagtapos ng paralegal tungkol sa mga batas paggawa ng Pilipinas.
Nauunawaan IPAP ang kalagayan ng mga napagsamantalahang manggagawa, kaya patuloy na naglilingkod nang walang bayad sa kanilang labor cases na nakahain sa NLRC.
Dahil lubhang laganap ang paglabag sa batas paggawa ng ilang employers, pinagsikapan ng IPAP na maipanalo ang maraming kaso.
Sa kasalukuyan, ang main office ng IPAP ay nasa Duty Free Philippines Corporation sa pangangalaga ng Duty Free Philippines Employees’ Association sa Parañaque City.
Nakapagbuo na rin ng iba’t ibang chapters ang IPAP sa pangangalaga ng mga kasaping opisyal ng iba’t ibang unyon gaya ng Wyeth sa Laguna, Tropical Hut Employees’ Union sa Pasay City, Metroclub sa Makati, at SkyCable Employees Union sa Vergara, Mandaluyong City.
May kasapian din ang IPAP mula sa Magdalo, isang community-based organization.
Isa sa mga pangunahing layunin ng IPAP ay magkaroon ng kamulatan ang bawat manggagawa sa bansa tungkol sa kanilang karapatan at matutunang igiit ito.
Bukod dito, tuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga kasapi upang makaagapay sa mga bagong batas at kautusan ukol sa paggawa.
Para sa katanungan o konsultasyon, maaaring pumunta sa mga opisina na nabanggit o ‘di kaya ay tumawag sa numerong (02) 552-4379. Hanapin sina Dennis Mallari, Albert Abecilla o Gregorio Agor, Jr.
(GMG)