Thursday , July 25 2024

Azkals natanggalan ng pangil

080614 azkals

NAKATUON ang Philippine Azkals sa Asean Football Federation Suzuki Cup, ang kanilang huling major tournament ngayong taon.

Pero bago mag-umpisa ang event, tatlong buwan mula ngayon ay mababawasan na ang kanilang ngipin dahil nagdesisyon ang top midfielder na si Fil-German Stephan Schrock na mag-resign sa national team kamakalawa ayon sa kanyang mga kaibigan.

Ang dahilan ng pag-alis sa team ng 27-anyos na si Schrock ay ang pagkakasali nito sa first team ng SPVgg Greuther Fuerth sa 2nd division ng German Bundesliga.

Nasilo sa Azkals si Schrock noong 2011 at sa 17 appearance ay nagpasok ng tatlong goals.

Tanggap naman ni Philippine Football Federation president Nonong Araneta ang desisyon ni Schrock.

Samantala, tuloy pa rin ang paghahanda ng Azkals para sa Suzuki Cup sa Nob. 22-Dis. 20.

ni ARABELA PRINCESS DAWA

About hataw tabloid

Check Also

Jean Richeane Dela Cruz Rhiana Kaydee Nialla

Dela Cruz, Nialla ratsada sa Speedo Novice and Sprint tourney

NASUNGKIT ng baguhang manlalangoy na sina Jean Richeane Dela Cruz at Rhiana Kaydee Nialla ang …

2024 V-League Collegiate Challenge

Elite collegiate team sa V-League Collegiate Challenge magsasagupaan

AAKITIN ng 2024 V-League Collegiate Challenge ang mahihilig sa volleyball sa isang linggong pagpapakita ng …

Daniel Maravilla Quizon PCAP Chess

Quizon naghari sa PCAP chess tournament

PINATIBAY ni Grandmaster elect at International Master Daniel Maravilla Quizon ang kanyang posisyon bilang isa …

Eric Buhain Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

INIHAYAG ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pakikipagtulungan ng Speedo Philippines ang pagdaraos ng 2024 …

National University NU Lady Bulldogs SSL National Invitationals

NU Kampeon sa SSL National Invitationals

IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *