Wednesday , July 16 2025

Kobe Paras sasama sa FIBA U18

NAGSIMULA nang mag-ensayo si Kobe Paras para sa U18 national team na sasabak sa FIBA Asia Under-18 Championships na gagawin sa Doha, Qatar, mula Agosto 19-28.

Ayon sa head coach ng RP team na si Jamike Jarin, dumating sa bansa si Paras noong Biyernes mula sa Los Angeles, California, kung saan nag-aaral at naglalaro siya sa LA Cathedral High School.

“We’re happy that Kobe is here,” wika ni Jarin sa panayam ng Radyo Singko sa FM kahapon. “He will bring a lot of athleticism and he plays multiple positions so we can go big in the perimeter and then smaller but faster when he plays power forward. Pero mas guwapo siya nang kaunti sa akin.”

Bukod sa anak ng dating PBA player na si Benjie Paras, kasama rin sa U18 lineup ni Jarin sina Joshua Andrei Caracut at Radge Tongco ng San Beda High School at ang anak ni coach Norman Black na si Aaron Black.

Nagpasalamat si Jarin sa mga paaralan ng UAAP at NCAA sa pagpayag ng kanilang mga manlalaro na sumali sa national team niya sa Qatar, pati na rin sa FIBA U17 World Cup na gagawin sa Dubai.

Katunayan, inilipat ng UAAP ang petsa ng juniors basketball sa second semester ng school year.

Naunang umatras ang Qatar sa pagdaraos ng U18 na torneo ngunit nagbago ito ng isip pagkatapos na maayos ang gusot ng basketball sa nasabing bansa.

“Internal problems in the Qatar basketball federation caused the original postponement pero the stakeholders patched things up eventually because of fear that they may be sanctioned by FIBA Asia,” pagtatapos ni Jarin.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Eric Singson Tats Suzara ANV PNVF

Candon, PNVF, pinapahalagahan ang ‘volleyball tourism’

DAHIL sa tagumpay ng kasalukuyang 2025 Southeast Asian Volleyball League, hindi na nag-aksaya ng oras …

PSC PSTC

IRR para sa Philippine Sports Training Center Act, inaprubahan ng Lupon ng PSC

INAPRUBAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Philippine Sports …

AFAD mangunguna sa Defense & Sporting Arms Show sa July 23-27

AFAD mangunguna sa Defense & Sporting Arms Show sa July 23-27

MULING ILALARGA ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) ang …

Patrick Pato Gregorio Bambol Tolentino

PSC Chairman Gregorio: “Napaligaya namin ang 2000 atleta at coach ngayong araw”

INILAHAD ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick ‘Pato’ Gregorio ang kanyang roadmap para sa …

PSA Reli De Leon MMTCI

MMTCI magsasagawa ng tatlong bahagi ng karera sa Malvar, Batangas

ANG Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ay magsasagawa ng tatlong bahagi ng Prince Cup …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *