Wednesday , April 23 2025

Kumusta Ka Ligaya (Ika-7 labas)

NAGKITA SILA NI LIGAYA … KUNG SIYA’Y NANANATILI SA KALYE … NAKIKITA NIYANG NAG-IIBA ANG BUHAY NG DALAGA

 

Pinaniwala niya ang dalaga sa isang kasinungalingan.

“Nag-construction boy ako… Kaya lang, sa Batangas ako nadestino, e,” ang gawa-gawa niyang kwento…

“’Pag me cellphone ka na, mag-text ka agad para mai-phonebook ko…”

Tinanguan lang niya ang dalaga na pinakaiibig niya nang lihim.

Bumili si Dondon ng isang mumura-hing cellphone. Ang natirang pera mula sa pabaon ng kanyang mga kakosa ay tiyani-tiyani niyang dinudukot sa bulsa. Hirap si-yang maghanap ng mapapasukang trabaho dahil kapos sa pinag-aralan. At para makatawid sa araw-araw ay kinailangan pa niyang gumamit ng tatag ng dibdib at kapal ng mukha. Nangolekta siya ng pa-piso-piso sa mga pampasaherong dyip kung saan mabigat lagi ang trapiko.

“Malaking lalaki at malakas ang pangangatawan, e, ayaw magbanat ng buto,” ang talikurang panlulura sa kanya ng mga jeepney driver na hindi magawang pumalag nang harapan.

Sa pamamahinga ni Dondon isang gabi ay nag-text siya kay Ligaya. “Dondon 2… musta n?” Ang reply sa kanya ng dalaga ay “’La na q sa dti trabaho…” Sa palitan nila ng mensahe ay napag-alaman niyang dispatsadora na ito sa isang mall sa Divisoria. Day-off umano nito tuwing Linggo at stay-in sa tirahan ng among Tsino. Pati kompletong address niyon ay nai-text din sa kanya.

Linggo ng umaga noong makipagkita kay Dondon si Ligaya sa isang fastfood sa bisinidad ng Divisoria. Siya ang taya sa tig-dalawang order ng spaghetti at softdrinks. Kinakitaan naman niya ng sigla ang dalaga sa pakikipag-kwentohan sa kanya. Pero may malalaking pagbabago na sa katauhan nito: lalong pumuti at kuminis ang kutis, humahalimuyak ang pabango sa katawan, puro bago ang mga kasuotan at maayos na maayos kung manamit.

“Wala sa minimum ang sweldo ko pero okey na rin dahil libre ang pagkain at tirahan,” nasabi ni Ligaya kay Dondon.

Ramdam pa rin ng binata ang pagiging malapit sa kanya ng dalaga. Kita niya sa mga kilos at pananalita nito ang ‘di-maikukubling saya sa kanilang pagkikita. Ito pa rin ang dating Ligaya na nakasama niya sa buhay-kalye sa mahaba-habang panahon. Pero ewan kung bakit nakikini-kinita niyang tila may pader na unti-un-ting nabubuo sa kanilang pagitan. Marahil, iyon ay dahil sa miserableng pamumuhay na kanyang nararanasan sa araw-araw.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

ArenaPlus PBA TNT 1

ArenaPlus Celebrates with the PBA Season 49 Commissioner’s Cup Champions

Photo courtesy of PBA: Katropas poses together with their fans during their victory party ArenaPlus, …

ArenaPlus Thompson Abarientos Brownlee 6

ArenaPlus announces Thompson, Abarientos, and Brownlee as brand endorsers

MANILA, PHILIPPINES – ArenaPlus, the 24/7 sports entertainment gateway in the Philippines, proudly welcomed its …

BingoPlus Asia Gaming Awards 2025 Feat

BingoPlus Grabs Best Reliability in Online Gaming at the Asia Gaming Awards 2025

Mr. Jasper Vicencio delivers his speech during the ASEAN Gaming Summit BingoPlus, the country’s most …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *