Friday , March 20 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iyak at nakapulot ng baril sa dreams

Hello po Sir,

Nnaginip aq ng baril, npulot q dw ito nkklat lng kasi, tas dw po d q sure kng bkit at kng saan gling, may nrinig dw aq umiiyak tas po umiyak n dn aq, bkit kya gnun pnginp q? wat kaya po intrprt nyo d2? Slmat, im Loisa of Manila, dnt print my cp, plz …

To Loisa,

Kapag nanaginip ng baril, ito ay simbolo ng aggression, anger, at ng potential danger. Maaaring may kaugnayan ito sa mga isyu o bagay ukol sa passiveness/aggressiveness at authority/dependence. Alternatively, ang baril ay maaari rin namang nagre-represent ng ari ng lalaki at ng male sexual drive. Kaya, ang baril sa panaginip ay maaring mangahulugan ng power o kaya naman, ng impotence, depende kung ang baril ay pumutok o nag-misfire. Kung ang binaril  naman sa panaginip ay isang taong labis na kinaiinisan, ito ay may kaugnayan sa aggressive feelings at hidden anger tungkol sa taong nabanggit. Ito ay posible rin namang nagpapahayag na makakaranas ng ilang suliranin o komprontasyon sa iba. Maaaring makaramdam na ikaw ay nabibiktima o nabiktima sa ilang sitwasyon o pangyayari.

Ang pag-iyak naman ay maaa ring nagsasaad ng pag-release ng negative emotions na may kaugnayan sa sitwasyong ikaw ay gising. Ang luha ay nagpapakita ng compassion, emotional healing at spiritual cleansing. Alternatively, ito rin ay maaaring nagsasaad ng sakit at kabiguan. Ang iyong panaginip ay isang paraan upang manumbalik ang ilang emotional balance at isang paraan na rin upang ligtas na mailabas ang iyong takot at kabiguan. Sa ating pang-araw-araw na buhay, may mga pagkakataong hindi natin napapansin, itinatanggi, o kinukuyom natin ang ating mga damdamin. Pero kapag tayo ay nasa kalagayang tulog, ang ating defense mechanisms ay hindi na nagbabantay kaya nagkakaroon ng pagkakataon na mai-release ang ganitong mga emosyon.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM FTSFI Felicidad Sy Hall

Felicidad Sy Foundation Unveils Digital Transformation Center to Empower Future-Ready Learners

A new chapter in education and opportunity began with the unveiling of the Felicidad Sy …

DOST-NRCP

DOST urges PH researchers toward responsive, cross-sector research

The Department of Science and Technology urged the Filipino research community to commit to a …

SM Bulacan Malls

Seguridad sa mga SM Mall sa Bulacan pinalakas

PINATOTOHANAN muli ng mga SM Mall sa Baliwag, Marilao, at Pulilan sa Bulacan ang kanilang …

Sinelas.atbp

Sinelas.atbp inspirasyon ang kultura at malikhaing kaisipan ng Lake Sebu 

RATED Rni Rommel Gonzales NAKATIRA sa iisang exclusive residential building sa San Juan sina Pinky Esturco-Caslib at …

DOST 2 Cagayan Aglipay

Gov. Aglipay thanks DOST for innovations providing opportunities to Cagayanos

Governor Edgar Aglipay expressed his heartfelt gratitude to the Department of Science and Technology (DOST) …