“ILAAN ang mga crazy outfit para saiyong sarili!”
Ito ang pahayag ni People for the Ethi-cal Treatment of Animals (PETA) para kay Lady Gaga matapos makita ang paboritong aso ng eccentric na singer na nababalutan ng mga alahas.
Lumilitaw na may kakulangan pang turuan ng wastong doggie care ang Grammy winning star, na laging dala ang kanyang prized pooch na si Asia sa lahat ng pinupuntahan niya simula nang ampunin ang French Bulldog noong Abril.
Inilagay ng 28-taon gulang na diva ang mga larawan ng kanyang mahal na ‘BatPig’ sa Instagram, na hitik sa heavy duty jewelry na nakabalot sa ulo ng aso. Ang inilagay na caption ni Gaga ay ‘Little McQueen’ at naglagay din siya ng larawan na may mga hikaw ang kanyang alaga.
Habang masasabing cute ang mga larawan, sinabi ng animal welfare charity na PETA sa Us Weekly na nagkamali ang kontrobersyal na mang-aawit sa ginawa niyang pagsuot ng mga alahas sa aso.
“Maaaring makapamili si Lady Gaga na lagyan ng mga dekorasyon ang kanyang sarili ng mga uncomfortable outfit, ngunit hindi makakapamili si Asia kung gusto niya ito,” pahayag ng PETA rep sa US.
Hindi ito ang unang beses na mapa-trouble si Gaga sa PETA. Noong 2010, binatikos ng grupo ang singer dahil sa pagsusuot ng damit na gawa sa ‘nabu-bulok na laman’ habang noong 2012 ay inakusahan naman si Gaga na ‘walang puso’ sanhi ng pagsuot ng isang fox head scarf.
Kinalap ni Tracy Cabrera