Nanlamig ang mga kamay ko sa paki-kipagkamay ni Miss Apuy-on. Pero sa pandama ko’y higit na mas malamig ang sa kanya. Parang galing siya sa paghawak ng yelo. At pinagsabihan niya ako na pagbutihin ko ang pag-aaral sa college. “Hangad ko na maging matagumpay ka sa buhay balang-araw,” dugtong niya na parang nagwi-wish sa mga bituin sa langit.
Sa final gradings ay eighty five ang nakuha ko sa Trigonometry. Ikinatuwa ko iyon pero may bahid ng lungkot. Ramdam na ramdam ko ka-sing nagkaroon ng pagtatangi sa akin si Miss Apuy-on. Biro nga ng pilyong si Jay ay bumaon nang todo sa puso niya ang palaso ni Kupido. Pero pilit niyang sinikil ang damdaming iyon hanggang sa huli naming pagkikita sa graduation day … upang mapangalagaan ang kanyang reputasyon at integridad bilang isang guro.
Ay, hinding-hindi na mabubura sa gunita ko si Miss Apuy-on na nagkimkim ng tinatawag na “platonic love” sa akin.
“Ms. Beautiful Girl”
Unang araw ng pasukan sa mga paaralan. Maaga akong gumising para makaabot sa first trip ng LRT sa Baclaran. Namputsa! Sangka-tutak na ang mga pasahero roon – mga estud-yanteng tulad ko, mga papasok sa trabaho at mga biyahero na may kanya-kanyang patutu-nguhan. Kaya naman paghinto ng tren ay agad nang nagdambahan ang mga nag-aapurang makasakay. May mga nagkatulakan at nag-kagitgitan. At mayroong nagkakaasaran. Mabuti na lamang at hindi ‘yun nauwi sa awayan ng dalawang pasaherong napikon sa isa’t isa.
Talagang siksikan na ang mga pasahero sa loob ng tren. Kauusod nang kauusod ko ay napapwesto ako sa kalagitnaan. Itinalaga ko na ang sarili sa matagal-tagal na pagtayo at pangungunyapit sa handgrill dahil sa Tayuman LRT Station pa ang baba ko. At mula roon ay sasakay pa ako ng dyip na biyaheng España na daraan sa UST na aking pinag-enrolan. Okey na sana ang pagbibiyahe ko kundi sa dalawang kelotski na nakapagitna sa akin. Ang nasa ka-nan ko kasi ay malaking-tao na naka-sleeveless t-shirt. Naku, hindi lang mahahaba ang buhok nito sa kilikili. Nakasusulasok din sa ilong ang malakas na “power.” At ang nasa kaliwa ko naman ay pa-ubo-ubo at panay ang singa ng sipon sa panyo. Hindi tuloy ako naging komportable sa aking pagkakatayo. (Itutuloy)
Sa Tayuman Station ang talagang destinas-
ni Rey Atalia