Friday , June 2 2023

Nora Aunor ‘ibinasura’ ni PNoy (6 idineklarang National Artists)

062214_FRONT

NILAGDAAN na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang Proclamation Numbers 807, 808, 809, 810, 811 at 812 na nagdedeklara bilang National Artists kina Alice Reyes – Dance; Francisco Coching (Posthumous) – Visual Arts; Cirilo Bautista – Literature; Francisco Feliciano – Music; Ramon Santos – Music; at Jose Maria Zaragoza (Posthumous) – Architecture, Design and Allied Arts.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, nakatakdang igawad ang nasabing Order of the National Artist sa itinakdang panahon.

Habang hindi napasama ang artistang si Nora Aunor na malakas ang panawagan ng mga tagasuporta na gawing National Artist.

Ang Order of National Artists ay pinakamataas na pagkilala sa mga alagad ng sining, musika at panitikan.

“The Order of National Artists was established under Proclamation No. 1001, s. 1972 to give appropriate recognition and prestige to Filipinos who have distinguished themselves and made outstanding contributions to Philippine arts and letters. It is the highest national recognition given to Filipino individuals who have made significant contributions to the development of Philippine arts and letters,” ani Coloma.

“The President will confer the Order of the National Artist in an appropriate ceremony.”

Hataw News Team

About hataw tabloid

Check Also

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Perjury

Testimonya, binawi ng saksi
MAS MABIGAT NA PARUSA SA PERJURY NAPAPANAHON NA — SENADOR

NANAWAGAN si Senador Alan Peter “Compañero” S. Cayetano nang mas mabigat na parusa laban sa perjury, …

Money Bagman

Maharlika Investment Fund   MIF SENATE VERSION ‘DI SUPORTADO NI SUPER ATE, 2 PA

HINDI suportado ng isang daang porsyento nina  Super Ate ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, …

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *