Friday , March 31 2023

Pagpupugay sa anibersaryo ng Life Oil

Noong nakaraang linggo ay matagumpay na pinagdiwang ang sinasabing pagpupugay, pagpupuri sa Panginoon dahil sa anibersaryo ng Life Oil na dinaluhan ng mga God Fearing na mga singers na binago ang kanilang buhay sa pangunguna ni Rey-an Fuentes, Quest, Yeng Constantino, Firebrand at Foreign Band na The Katinas na puro hill songs ang tinutugtog.

Madamdamin dahil iba’t-ibang religious group mga nanood sa tinatawag na free concert ng Life Oil Maluggay at mismong ang mga big boss ay nandoon din sa pangunguna ng negosyanteng si Andy Lugto,at ang negosyanteng BOC Depcom Ariel Nepomuceno.

Masayang-masaya si Depcom Nepomoceno noong gabing yun dahil nakita niya ang saya at tuwa ng pananampalataya ng bawat isa, Masaya si Nepomuceno at Lugto dahil naging matagumpay din ang kanilang mga negosyo.

Sabi sa akin “jimmy Masaya ako dito dahil napakaganda ang patutunguhan ng bawat nilalang sa ating bansa na lalo pang pinalakas ang ating pana-nampalataya sa Panginoon”. It’s the way of worshipping God.”

Meron tayong namataan na dalawang taga Customs sabi niya “Sana daw yung mga ibang taga Customs ay nanood at sigurado daw na maraming titino at maraming mababago sa kanilang buhay.

Masaya rin ako dahil isa ako sa mapalad na naimbitahan sa isang kaaya-ayang, kagalang-galang na opisyal ng ating gobyerno.

Kaya naniniwala ako na marami pa ring matitino sa BOC sa pangunguna ng isang matagumpay na negosyante na si Custpms Depcom Ariel Nepomuceno.

Nakita ko na halos puno ang grand arena at masasaya sila nagpupugay sa Panginoon,muli binabati natin ang Life Oil sa kanilang maganda anibersayo na kanilang ibinahagi ang kita at blessings sa mga nanood ng Free concert na kung tawagin ay Lifestival.

Again, Congrats Depcom Ariel at Boss Andy Lugto.

Keep up the good work mga bossing.Kayo ay mga huwarang negosyante.

God bless you all!

CONGRATS PNOY & BODET

Congratulations pala kay Pangulong Noynoy at MIAA GM Boget Honrado dahil isasama na ang Terminal fee sa Airline Ticket para sa ganun ay hindi na mahirapan ang mga pasahero at isang pilahan na lang na hindi makakaperwisyo sa mga pasahero at ganundin din sa pagbigay binigyan ng award & citation ni GM Honrado sa mga magagaling at mga honest na empleyado ng MIAA.

Dyan mo makikita na hard working talaga si GM Honrado sa kabila ng kagagaling pa lang nya sa isang karamdaman.

Talagang inaayos niya mabuti at mabigyan ng parangal ang gumagawa ng kabutihan na nagtatrabaho ng maayos sa NAIA.

Keep up the good work GM Honrado. You are the best!

Congratulation din kay Pangulong noynoy sa magandang pamumuno niya at maraming nabago dahil nabawasan at unti-unting nawawala ang korapsyon sa ating bansa kaya sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang termino ay marami na siyang accomplishment na pwede niyang ipagmalaki na minana niya sa kanyang mga pinakamamahal na magulang na sina Senator Ninoy at dating Pangulong Madam Cory Aquino.

Bilang kapamilya mo sa Hacienda Luisita na aking sinilangan sumasaludo ako at nagpupugay sayo mahal na Pangulo.

Mahal na pangulo you are the best!

WALANG KAUGNAYAN KAY TINA YU

Paumanhin kay Gen. Abadia sa naging pahayag ko noong nakaraang issue sa ating kolum.Dahil lumabas ang katotohanan na hindi niya kilala at walang kaugnayan sa notoryus na si Tina Yu.

Gen. Abadia tinatanggap po natin ang pagkakamali sa aking naisulat.Tao lang po.

Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Anne Barretto Hey Pretty Skin Red Era Rising Era Dynast

Hey Pretty Skin at RED nagsanib-puwersa para mapalago pa ang kanilang negosyo  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BILANG paghahanda sa lalo pang paglaki ng kanilang kompanya, nakipag-partner …

Coco Martin Brillante Mendoza Apag

Ending ng Apag ‘pinakialaman’ ni Coco — Hindi kasi ‘yun tatak Brillante

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio AMINADO si Direk Brillante Mendoza na dalawang bersiyon ang ginawa niyang ending …

Romm Burlat Pira-Pirasong Pangarap

Direk Romm, biggest project ang Pira-Pirasong Pangarap

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Direk Romm Burlat na ang pelikulang Pira-Pirasong Pangarap …

Rhea Tan Beautéderm

Beautéderm, Rhea Tan, local endorsers, magkatuwang sa adbokasiya para sa single mothers, senior citizens, at underprivileged children

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG businesswoman na si Rhea Anicoche-Tan ay halos 15 years na sa skincare industry. …

Direk Brillante ‘di inakalang sisikat si Coco

RATED Rni Rommel Gonzales SI Brillante Mendoza ang direktor ng Masahista noong 2005, ang pelikulang ito ang pinakaunang lead …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *