Thursday , March 19 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Daigdig ng mga Engkanto (Ika-57 labas)

KASABAY NA NAGLAHO NI CARMINA ANG MGA PANGARAP NA MINSAN PILIT NA INABOT PERO SA REHAS NAGWAKAS

Nasilayan ko ang pilit na ngiti ni Carmina. Sabay sa mga katagang “antok na antok na ako” ay nagpikit siya ng mga mata. At pagkaraa’y hinigit niya ang dalawang balikat sa paghahabol sa kahuli-hulihang hibla ng hininga.

Naghagulgulan sa pag-iyak ang mga kapatid ni Carmina. Ang kanyang inang si aling Azon, sa tuluyang paglisan ng mapagmahal na anak, ay tulalang napaluha.

Ipinabaon ko kay Carmina ang aking mahigpit na yakap at halik ng pagmamahal na walang pagmamaliw.

Pero hindi pa man natutuyo ang luha ko sa mga pisngi, sa pagbabang-pagbaba ko sa bahay nina Carmina ay isang marahas na kamay ang bumatak sa kuwelyo ng aking polo. Pagbagsak kong padapa sa mga baytang ng hagdan ay may kumulatang baril sa akin. Guma-labog sa likod ko. At may mabilisang nagposas sa aking mga kamay.

“Gago ka, pinahirapan mo kami, a,” sabi ng pulis na dumakma sa batok ko habang pasalikod na nakaposas ang aking mga kamay.

Wala na akong kawala. Pero isang mariing kulata ng puluhan ng baril ang dumapo pa sa batok ko.

Ang dating mundo ko na minsang kinulayan noon ng aking mga pangarap ay nagmukhang malapad na iskrin ng isang sinehan na biglang nagdilim sa pagtatapos ng pelikula. Wala na nga kasi si Carmina ko… wala na.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Nang matauhan at magmulat ng aking mga mata ay naliligiran na ako ng mga pader at rehas na bakal. Inot-inot akong tumindig mula sa pagkakabulagta sa sementadong sahig ng piitan

Sumilip ako sa maliit na bintanilyang bakal din ang mga rehas. Madilim na ang buong paligid ng kinapipiitan ko. Bahagya mang liwanag ng araw ay wala na. Tini-ngala ko ang langit. Gabi na. At mariin akong napapikit. Umuukilkil sa aking utak: “Wala nang nalalabing mahalaga sa buhay ko, maliban na lang marahil kung marara-ting ko ang pinaroonan ni Carmina na sabik na naghihintay sa akin.”   (Wakas)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM FTSFI Felicidad Sy Hall

Felicidad Sy Foundation Unveils Digital Transformation Center to Empower Future-Ready Learners

A new chapter in education and opportunity began with the unveiling of the Felicidad Sy …

DOST-NRCP

DOST urges PH researchers toward responsive, cross-sector research

The Department of Science and Technology urged the Filipino research community to commit to a …

SM Bulacan Malls

Seguridad sa mga SM Mall sa Bulacan pinalakas

PINATOTOHANAN muli ng mga SM Mall sa Baliwag, Marilao, at Pulilan sa Bulacan ang kanilang …

Sinelas.atbp

Sinelas.atbp inspirasyon ang kultura at malikhaing kaisipan ng Lake Sebu 

RATED Rni Rommel Gonzales NAKATIRA sa iisang exclusive residential building sa San Juan sina Pinky Esturco-Caslib at …

DOST 2 Cagayan Aglipay

Gov. Aglipay thanks DOST for innovations providing opportunities to Cagayanos

Governor Edgar Aglipay expressed his heartfelt gratitude to the Department of Science and Technology (DOST) …