Ello Señor H,
Napangnp ko na may pusa at kasma niya ung daga d ko maintndhan kng bakit ganun pnagnip ko, wala namang daga o pusa s haws namin, itim un pusa kya napaisip ako na msama ba khulugna nun? slamat senor, wag mo po papablis cp ko, Jean
To Jean,
Ang pusa ay sagisag ng independent spirit, feminine sexuality, creativity, at power. Subalit ito ay nagre-represent din naman ng misfortune at bad luck. Ang simbolo ng ganitong bungang-tulog ay may kakaibang kahalagahan depende kung ikaw ay isang cat lover o hindi. Ang pusa ay maaaring nagpapahayag din na mayroong deceitful o treacherous na balak sa iyo ang iba. Ito ay maaaring nagsasaad din na ikaw ay nagkakaroon ng suliranin sa iyong feminine aspect. Ang itim na pusa ay nagpapakita na ikaw ay nakararanas ng ilang takot at pangamba sa paggamit mo ng iyong psychic abilities at sa paniniwala sa iyong intuition. Posibleng ikaw ay magkamali rin na i-associate ang itim na pusa sa evil, destruction, at bad luck. Sa partikular na kaso ng nakita mo sa iyong panaginip, makabubuting kilalanin kung ano ang sinasabi ng iyong intuition. Ito ay mahirap mo nang balewalain, subalit hindi ka dapat matakot na harapin ito.
Ang daga naman ay may kaugnayan sa feelings of doubts, greed, guilt, unworthiness, at envy. Pilit mong itinatago ang isang bagay na labis na nagpapahirap sa iyo o kaya naman, may nagawa kang bagay na hindi mo ikinararangal. Alternatively, ang panaginip ukol sa daga ay may kaugnayan din sa repulsion, decay, dirtiness, and even death. Ang panaginip mo ay nagsa-suggest din ng iyong kawalan ng kakayahang harapin ang ilang unconscious issues or feelings. Kailangang mas malaman mo at kilalanin ang mga bagay na nararamdaman mo. Maaari rin namang kabilang sa mensahe ng panaginip mo ang paghahanap mo ng mga bagay na makapagpapaligaya sa iyo ng lubusan.
Tandaan mo rin sana na may mga elemento sa panaginip na bunsod lamang ng mga bagay sa ating kapaligiran na nangyari kailan lang o may katagalan na, na ating narinig, nabasa, nalaman sa mga kuwentuhan, napanood (sa TV o pelikula) o mga katulad na bagay na naka-impluwensiya upang ito ay makintal sa ating isipan at lumabas sa panaginip. Kaya mas mahalaga pa rin ang tiwala sa iyong sarili at pananalig mo sa Diyos.
Señor H.