Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Good feng shui bedroom

WALANG magiging katahimikan sa tahanan kung natutulog kayo sa bad feng shui bedroom.

Ang good feng shui bedroomay nagsusulong ng harmonious flow ng nourishing and sensual energy. Ang good feng shui bedroom ay nanghahalina, pinasasaya ka, at pinakakalma.

Ang good feng shui bedroom ay masaya at mawiwili kang manatili, para maidlip lamang o para matulog sa gabi, gayundin para sa passionate love.

Para makalikha ng good feng shui bedroom, maaaring sundin ang basic feng shui tips:

*Alisin ang TV, computer, o exercise equipment sa bedroom. Ang god energy sa bedroom ay masisira kung naroroon ang nabanggit na mga bagay.

*Buksan ang mga bintana nang madalas o gumamit ng good quality air-purifier upang mapanatiling sariwa at puno ng oxygen ang hangin.

Tandaan na hindi magkakaroon ng good feng shui sa bedroom kung ang hangin ay puno ng polusyon. Tandaan din na ang mga halaman sa bedroom ay hindi good feng shui, maliban na lamang kung ang bedrom ay malaki at maaaring ilagay nang malayo ang mga halaman sa kama.

*Maglagay ng ilang levels ng ilaw sa bedroom, o gumamit ng dimmer switch para ma-adjust ang enerhiya.

Ang mainam at maayos na ilaw ay napakahalaga, dahil ang light ay #1 nutrient at isa sa nagpapalakas sa manipestasyon ng enerhiya. Ang mga kandila ang best feng shui bedroom lighting, tiyakin lamang na walang toxins ang mga kandila.

*Gumamit nang banayad na mga kulay para matamo ang good feng shui balance sa bedroom. Ang Ang feng shui décor ay ang balance décor na nagsusulong ng mainam na daloy ng enerhiya para sa mahimbing na pagtulog, gayundin sa sexual healing.

*Mag-ingat sa pagpili ng mga imahe para sa bedroom. Pumili ng bedroom art na ang imahe ay bagay na naglalarawan ng mga nais n’yong mangyari sa inyong buhay.

*Sundin ang basic feng shui guidelines para sa kama. Dapat ay may espasyo sa magkabilang gilid ng kama, may dalawang bedsides table sa tabi, at iwasan na ipwesto ang kama sa direct line ng pintuan.

*Panatilihing nakasara ang bedroom door sa gabi, gayundin din ang closet doors, at en-suite bathroom door. Ito ay para sa maayos na pagdaloy ng enerhiya na magpapalakas ng inyong kalusugan gayundin ng kalusugan ng relasyon.

Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …