NAKA-IMBENTO ang university student ng revolutionary adult scooter na maaaring i-fold ng hanggang kasukat ng A4 piece ng papel.
Ang disenyo ni George Mabey ay ang pagkakabit-kabit sa mga bahaging aluminum sa pamamagitan ng cable, na kapag hinigpitan ay magsasama-sama ang mga bahagi na maaaring bitbitin.
Napagwagian ng 22-anyos ang top prize ng pamosong Power of Aluminium awards na isinulong ang innovative uses ng metal.
Ang handy device, na sa sobrang liit ay maaaring ilagay sa handbag, ay binubuo na makaraan mapahanga ang judges, at maaaring magkahalaga ng £1,000 bawat isa.
Ang lightweight scooter, tumitimbang ng kulang 5 kilo, ang
first prototype na ilalagay sa exhibit bilang bahagi ng London South Bank University’s Shape Product Design and Engineering Product Design degree show.
Sinabi ni Aluminium Federation spokesman Alan Arthur: “Nothing else out there at the moment folds away this small and it could even fit in a handbag.”
Tumanggap si Mr. Mabey, mula sa Southampton, engineering product design student, ng premyong nagkakahalaga ng £1,000.
“I was amazed at winning such a brilliant competition, which I was proud to take part in.
“Having my work acknowledged at the awards and recognized by the industry is the icing on the cake. It’s a great way to finish my time at university.” (ORANGE QUIRKY NEWS)