Saturday , November 23 2024

Pinakalumang pares ng pantalon

NADISKUBRE ang dalawang pares ng pantalon na may edad na 3,300taon sa malayong western Xinjiang region ng Tsina, ulat ng state-media.

Natagpuan ng mga archeologist ang menswear na ginawa mula sa balat ng hayop na suot pa ng labi ng dalawang mummy, na kinilalang lalaking shamans nasa edad 40-anyos, ulat ng China Daily.

Isang international team ang nagsanib para i-repair at ipreserba ang dalawang pares—na tinatayang pinakalumang nadiskubre at may malinaw na pagkawangis sa modernong pantalon, sabi ng report.

“Halos kamukha ng makabagong pantalon na isinusuot ngayon ng mga kalalakihan,” ulat ng report sa pahayag ni Lu Enguo, isang researcher sa Institute of Archaeology sa Xinjiang.

May mga nauna nang nadiskubre na kahintulad ng modernong pantalon ngunit ginawa ang mga ito nang naaayon sa mas simpleng disenyo at may kulang na tela para takpan ang bahagi ng pagkalalaki ng nagsusuot nito, dagdag ni Lu.

Pinaniniwalaan ng mga archaeologist na ilang mga nomad sa nasabing rehiyon ang nakaimbento ng pantalon para sa pagsakay sa kabayo.

Ang nasabing mga nomad “noong una’y nagsusuot ng isang uri ng pantalon na may dalawang legs,” ani Xu Dongliang, deputy head ng nabanggit na institute.

Ang kauna-unahang pantalong may ‘crotch patch’ na masasabing pinakaluma ay yaong nadiskubreng mula sa 2,800 taon nakalipas.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *