Gndang hapon,
Paki ntrprt aman drims q, nanagnp kasi aq ng ukol sa ipis pati sa ukol sa hipon. Takot aq s ipis at paborito q fud hipon, may konek kaya un kaya q npanginipn ung 2 bagay n un? Slamt Señor, jst kol me Aquarius Boy ng Malate, dnt post my cp no… wait q ito s dyario..
Aquarius Boy,
Kapag nakakita ng ipis sa panaginip, ito ay sumisimbolo sa karumihan o pagiging marumi. Nagre-represent din naman ito ng longevity, tenacity, and renewal. Kailangang ire-evaluate ang mahahalagang aspeto ng iyong buhay. Alternatively, ang ganitong klase ng bungang tulog ay nagpapakita ng hindi magagandang katangian na dapat mong harapin o bigyan ng pasin.
Hinggil naman sa panaginip mo tungkol sa hipon, ito ay nagsa-suggests na ikaw ay nakadarama na overpowered and insignificant. Sa kabilang banda, nagsasaad din ang panaginip mo ng pagbabago sa ikabubuti para sa iyo, kung ikaw ay magiging masinop at tatahakin ang landas na matuwid. Ito ay may kaugnayan din sa abundance, love at wealth. Ipagpatuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga upang makamit ang mga bagay na labis na inaasam.
Posibleng may koneksiyon din ang takot mo sa ipis at pagkahilig sa hipon, kaya lumabas ito sa iyong panaginip.
Señor H.