NAGULAT ang isang dog breeder sa Spain nang dalawang tuta ang isinilang na kulay berde ng kanyang alagang aso.
Hindi makapaniwala si Aida Vallelado Molina mula sa Valladolid, nang dalawa sa mga tuta ang isinilang na bright green ang balat.
“I thought the puppies were dirty and tried to clean them, but the colour wouldn’t come off,” aniya.
Ang dalawang tuta ay parehong maliit at mas mahina kaysa ibang mga tuta. Ang isang babae ay agad namatay makaraan isilang. Habang ang lalaking tuta ay nanatiling mahina ang pangangatawan at unti-unting kumukupas ang pagiging berde ng kulay.
Inihayag ng local vet na si Daniel Valverde: “There are no other recorded cases of this happening in Spanish scientific literature.”
ORANGE QUIRKY NEWS)