Tuesday , November 5 2024

12 dapat malaman sa… Araw ng Kalayaan

TUWING Hunyo 12 ay ipinagdiriwang ng sambaya-nan ang Araw ng Kalayaan dahil ito ang araw na idineklara ang ating independensiya mula sa mga mananakop.

Ito rin ang itinuro sa atin ng kasaysayan at naging paksa sa ating aralin sa eskuwelahan. Tinalakay ng ating mga guro ang kabayanihan ng ating lahi—subalit marami rin mga detalye na wala tayong kaalaman ukol sa Araw ng Kalayaan kaya minabuti namin ilahad sa inyo ang mga bagay na ito upang inyong malaman at maunawaan.

1. Ang kalayaan ay hindi idineklara sa isang balkonahe

Salungat sa popular na paniniwala, ang deklarasyon ng independensiya ng Philippine independence ay hindi idineklara sa isang grandiosong balkonahe. Ginawa ito ni Heneral Emilio Aguinaldo mula sa bintana ng kanyang tahanan sa Cavite. Idinagdag na lamang ang balkonahe makaraan ang ilang taon para parangalan ang makasaysayang kaganapan.

2. Hindi si Aquinaldo ang nagwagayway ng bandila noong Hunyo 12, 1898

Sa makasaysayang araw ng deklaras-yon ng kalayaan, ang war counselor ni Aquinaldo na si Ambrosio Rianzares Bautista ang aktuwal na nagwagayway ng bandila ng Pilipinas. Si Bautista rin ang may akda at nagbasa ng Deklarasyon ng Independensiya sa tahanan ng pamilya Aguinaldo.

3. Lumayag na ang bandila bago pa sa Araw ng Kalayaan

Ang pormal na paghayag sa bandila ng Pilipinas ay unang naganap noong Hun-yo 12, 1898, subalit dati na itong lumayag bago pa man isinagawa ang deklarasyon ng independensiya. Unang namalas ang pula, asul, puti at dilaw na mga bituin ng bandila habang iwinawagayway ito ng mga sundalong Filipino sa Labanan ng Alapan sa Cavite.

4. Ang musika para sa pambansang awit ay isang ‘mash-up’

Nang ideklara ni Aguinaldo ang ating kalayaan at iprenesinta ang bandilang Pilipinas, tinugtog ang Marcha Nacional Filipina, na isinulat ng kompositor na si Julian Felipe. Wala pang itinakdang lirika (lyrics) noon ang musika subalit hinango ito mula sa Pambansang Awit ng Espanya, ang Aida, at ang La Marseillaise.

5. Unang nagtagpo sina Aguinaldo at Mabini noong Hunyo 12, 1898

Alam ng karamihan kung gaano hina-ngaan ni Aguinaldo at sinusunod ang mga payo ng dakilang si Apolinario Mabini sa pamamagitan lamang ng pagliham, subalit sa kaarawan lang mismo ng deklarasyon ng independensiya nagtagpo ang dalawa. Sa okasyon ay huli pa ngang dumating si Mabini.

6. Hindi sang-ayon si Mabini

sa deklarasyon ni Aguinaldo

Naniniwala si Mabini na si Aguinaldo, o sinumang lalaki sa kanyang sarili, ang makapagdedeklara ng kalayaan ng isang bansa. Ito ang dahilan kung bakit sinulong ni Mabini para sa mas maraming kinatawan na magraratipika sa proklamasyon. Naratipika ito noong Agosto 1, 1898 ng 190 presidente municipal.

7. Maituturing na minsan din naging ‘diktador’ si Aguinaldo

Nang i-take over ni Aguinaldo ang pa-mahalaang rebolusyonaryo, maituturing na isa siyang diktador. Mula Mayo 24, 1898 hanggang Hunyo 22, 1898, pinamunuan niya ang pamahalaang dikatdurya ng Pilipinas.

8. Mga alternatibong Araw ng Kalayaan?

Ang opisyal na Araw ng Kalayaan ayon sa batas ay Hunyo 12, subalit may ibang mga araw din ang isinusulong na para-ngalan tulad nito. Ang pinakamaagang petsa ay Abril 12, 1895, na tinakdang araw na isinulat ni Andres Bonifacio ang Viva la Independencia Filipino sa mga dingding ng Kuwebang Pamitinan sa Montalban.

9. Tabak ang sandata ni Bonifacio

Habang ang pina-kapopular na imahe ni Andres Bonifacio ay may makikitang may hawak siyang tabak (bolo), ayon sa mga ulat ng kasaysayan ay mas gusto niyang gamitin ang baril (revolver) kapag nasa labanan. Ang paglalarawan sa kanyang nakasuot ng kasuotan ng isang Katipunero ay layo din sa katotohanan at tanging larawan niya na ang suot niya ay isang coat.

10. Pula sa ibabaw ng asul sa bandila

Ang bandila ng Pilipinas ay iwinawagayway lamang na ang pula ay nasa ibabaw sa panahon ng digmaan. Tatlong beses itong iwinagayway nang ganito: noong kampanya ni Aguinaldo laban sa mga Amerikano, sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at sa panahon ng digmaang Hapones. Nagpahayag ng paumanhin ang Malacañang noong 2011 dahil maling pag-post ng baligtad na larawan ng bandila sa kanilang website.

11. Light blue-colored na bandila

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos noong 1985 na baguhin ang shade ng blue sa bandila ng Pilipinas mula sa navy blue sa royal blue. Naganap ito sa kasagsagan ng mainitang pagdedebate kung alin ang susunding asul—yaong asul ng bandila ng Cuba o ng Estados Unidos.

12. May takdang pagtupi ng bandila ng Pilipinas

May takdang paraan ng pagtupi ng bandila ng Pilipinas, at ito ay dapat gawin ng dalawang tao, na hindi hahayaang sumayad sa lupa ang bandila. Ito ay dapat na itupi nang diagonal para humugis ng maliliit na tatsulok. Kapag natupi na, tanging isang bituin at ang pilak ng asul ang nararapat na nakalitaw.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Prestone

 A New Era of Vehicle Protection is Here with Prestone’s 5X Superior Protection Guaranteed

The #1 Brake Fluid and #1 Coolant in the Philippines unveils the new look of …

Puregold Masskara Festival

Mga kilalang OPM artist nakipista sa Bacolod Puregold MassKaravan at Concert

SAMA-SAMANG dinala ng mga hip-hop icon na sina Skusta Clee at Flow G at PPop megastar na SB19ang panalo spiritsa Puregold …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *