Tuesday , November 5 2024

Mundo nagunaw sa panaginip

Good morning po,

Nais ko lamang po mabgyan kahulugan ang panaginip ko, nka-3 beses ko na po ksi npanaginipan na ngugunaw ang mundo, tsaka ang lakas ng patak ng mga ulan, at my paparating na napakalakas na hangin parang ipo-ipo, pero hndi naman po ako nakakasama sa mga taong kinukuha ng ipo-ipo. Ano po kaya ibg sbhn nun? At lage po akong nananaginip ng 2big at nglalakad tapos minsan nkasakay daw po ako sa taas-babang daan o kalsada, sana po masagot n’yo po, salamat po. (09491999848)

To 09491999848,

Ang iyong napanaginipan na katapusan na ng mundo ay nagpapakita na ikaw ay nakararanas ng matinding stress. Sa ilang pagkakataon, pakiramdam mo’y vulnerable o helpless ka. Maaari rin namang may koneksiyon ito sa mga nangyayaring kalamidad sa ating mundo o mga tema ng palabas sa TV o pelikula, na matapos mo itong mabalitaan o mapanood sa TV/pelikula o mabasa sa diyaryo ay nakintal nang lubos ito sa iyong isipan at lumabas sa iyong panaginip.

Ang ulan naman ay simbolo ng fertility at renewal. Alternatively, ang ganitong panaginip ay maaari rin na sagisag ng kapatawaran at biyaya. Subalit, puwede rin namang metaphor ito ng luha, pag-iyak, o kalungkutan.                     Kapag nakakita ng ipo-ipo, ito ay nagpapakita na ikaw ay nakararanas ng extreme emotional outbursts and temper tantrums. Magbalik-tanaw kung mayroong sitwasyon o relasyon sa buhay mo na maituturing mong potentially destructive. Ito ay posibleng nagpapakita rin ng kawalan ng control, komplikadong mga plano at pagdating ng mga bagay na maaaring panghinayangan. O kaya naman, mga tao sa paligid na prone to violent outbursts and shifting mood swings. Posible rin na nagre-represent ito ng volatile situation o relationship.

Ang panaginip ukol sa tubig ay nagsasabi ng hinggil sa buhay at sumasagisag din ito sa spirituality, knowledge, healing, at refreshment. Kailangang magmuni-muni o balikan ang mga nakalipas upang mas maintindihan ang mensahe ng iyong panaginip. Dapat din na huwag maging padalos-dalos sa bawat desisyong gagawin. Lagi kang magtiwala sa iyong sarili at sa kapangyarihan ng Diyos.

Ang panaginip naman na naglalakad, kung ito ay marahan, nagsasaad ito ng pagsulong mo ng marahan subalit mayroon namang steady progress. Ikaw ay naglalakbay o patungo sa iyong landasin sa pamamaraang may kompiyansa, dapat ding isaalang-alang ang iyong destinasyon.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Prestone

 A New Era of Vehicle Protection is Here with Prestone’s 5X Superior Protection Guaranteed

The #1 Brake Fluid and #1 Coolant in the Philippines unveils the new look of …

Puregold Masskara Festival

Mga kilalang OPM artist nakipista sa Bacolod Puregold MassKaravan at Concert

SAMA-SAMANG dinala ng mga hip-hop icon na sina Skusta Clee at Flow G at PPop megastar na SB19ang panalo spiritsa Puregold …

DOST Region 02 Expands STARBOOKS Access in Sto. Tomas, Isabela

DOST Region 02 Expands STARBOOKS Access in Sto. Tomas, Isabela

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 continues to expand its STARBOOKS program …

Ysabel Ortega Miguel Tanfelix Rhea Tan Sofia Pablo Shaira Diaz Beautederm Belle Dolls

Miguel mala-Ken Doll sa Belle Dolls launch

RATED Rni Rommel Gonzales NAGMISTULANG Ken Doll si Miguel Tanfelix sa piling ng tatlong Barbie Dolls na …

PlayTime Binibining Pilipinas

PlayTime binigyang papremyo mga nagwagi sa Binibining Pilipinas

NAGKALOOB ng papremyo ang PlayTime, lumalagong online gaming entertainment platform, sa mga kandidato ng Binibining Pilipinas na nanalo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *